"Im the father" Kapwa napatingin sina Ehna at ang kaniyang Ina sa lalaking nagsalita, Pumasok ito at kinuha pa ang kamay ng kaniyang inay at nag mano, tanda ng pag galang. "Pagsensya na po at hindi na kami nakapaghintay dahil biglaan lang din po ang pagdadalang tao ni Ehna" prenteng sabi nito at pumunta sa nakatulalang si Ehna at hinawakan ang kaniyang kamay. "Dyner..." 'yon lamang ang nasambit ni Ehna dala na din ng pagkagulat. Tama, si Dyner nga ang lalaking katabi n'ya ngayon at ngayon ay inaaako ang anak nila ni Zion. "Ah ganoon ba, nako wala na tayong magagawa tungkol sa bata, nasa tamang edad naman na si Ehna ngunit nagulat lang ako dahil biglaan" sambit ng kaniyang ina. "Maraming salamat po Nay" sagot pa ni Dyner sabay tingin kay Ehna. *** "Dyner, anong ibig sabihin n

