"Z—Zion" Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang mapagtanto kung sino ang kasama ng kaniyang anak. Tumakbo papunta sa kaniya si Zian. Kasabay nito ay ang paglakad papalapit sa kanila ni Zion. "Mommy! look he bought me a super man!" masayang sabi ni Zian sabay pakita ng stop toy. Agad niyang kinarga ang anak. "M—Maraming salamat" tugon niya dito at akmang aalis na nang hawakan siya nito sa braso. "Ehna, Is he your child?" may halong pagtataka sa mata ni Zion. Sasagot na sana siya nang tawagin siya ni Dyner. "Ehna" Tawag ni Dyner sa kaniya. "Mabuti naman at ok lang si Baby" dagdag pa nito. Lalo siyang kinabahan at tumingin kay Zion na ngayon ay nakakunot na ang noo. "Oh, Zion nagkita na pala kayo ni Ehna" prenteng bati ni Dyner na para bang hindi sila umalis ng anim

