NAGISING si Ehna sa ingay na dulot ng alon na humahampas sa mga bato malapit sa kung saan siya naroroon. Kaagad siyang nag mulat ng mata at iginala ang mga ito sa paligid ng silid. Bigla ay napatingin siya sa bandang balkonahe malapit sa kaniyang kinaroroonan, Agad siyang lumakad papunta doon at sobra siyang namangha sa kaniyang nakita. Sobrang ganda ng dagat, Napapikit siya, Dinadama ang malamig at sariwang hangin na dumadampi sa kaniyang pisngi, at araw na parang tumatagos sa kaniyang kaluluwa, At ang tunog ng alon na parang tinatangay siya papunta sa dagat. "Goodmorning Darling..." Sa isang iglap ay napadilat siya ng mata. Kilala niya ang boses na nanggaling sa kaniyang likod. Hindi na siya nagtaka pa. Unti unti ay bumalik ang kaniyang ala-ala, kasabay noon ang sakit na nararamdaman

