Chapter: 2

1678 Words
Nagyakapan ulit kami ni Inay At niyakap ko na rin si Ella. Maya maya pa ay dumating na ang jeep na maghahatid sa akin patungong maynila. " Uy Eloisa Iha, halika na at sumakay.. At baka ma traffic tayo papuntang maynila. Lunes ngayon at maraming lumuluwas ng maynila kapag ganitong araw.." tumingin ako kanila Inay At Ella. "Sige ho Mang Isko Sasakay na ho.. Nay, aalis na ho ako ha.. Ella Ikaw na bahala kay Inay Ko ha.." ngumiti ako ng hindi abot sa tenga dahil mabigat talaga ang loob ko na iwan si inay. "Sige Anak.. Ingat ka.. Yung mga pinag usapan natin ha huwag mong kalimutan.." at sumampa na ako sa jeep. Idinungaw ko pa ang aking ulo sa bintana ng jeep pagka sakay ko. At kumaway. "Ba bye Inay!.." Hindi ko nanaman napigilan na maluha. Sabay buntong hininga. Isinandal ko ang aking ulo sa jeep at ipinikit ang aking mga mata. Umusal ako ng panalangin na sana palarin ako kaagad pag dating ko ng maynila. Hindi ko namalayan na naka idlip pala ako.. Pag gising ko medyo lumuwang na ang jeep dahil mayroong mga naunang bumaba na pala. "Mang Isko Malayo pa ho ba ang Alabang..? Pasensya na ho at first time ko lang makapunta ng maynila at wala ho akong kakilala doon.." ngumiti ako ng bahagya at tumingin si Mang Isko sa akin mula sa salamin sa harapan niya. "Ay ganun ba Iha.. Naku mag iingat ka sa maynila ha. Maraming snatcher at holdaper doon.. Kailangan alerto ka. Medyo malapit na tayo sa alabang nandito na tayo sa bayan ng sta. Rosa laguna. Palabas na tayo ng laguna.." patuloy sa pag sasalita si Mang Isko habang nagda drive. At muli siyang sumulyap sa akin. "Salamat ho Mang Isko Sa paalala.." at ngumiti ako ng bahagya sabay buga ng hangin. Bahagya kung idinungaw ang aking ulo sa bintana ng jeep at Maya maya pa ay nakita kung dumarami na ang taong aking nakikita sa kalsada. Matapos ng kalahating oras ay huminto na ang jeep sa may gilid ng isang mall. Star Mall ang nakasulat sa mall na iyon. Wala akong idea sa mga mall dahil never pa akong nakapasok sa mga ito. Wala kaseng mall na malapit sa aming lugar. Pagka hinto ng jeep sa terminal, nag sibabaan na ang mga sakay na pasahero. Tumingin sa akin si Mang Isko. "Eloisa, Dito na ang alabang.. Basta huwag mo kalilimutan ang paalala ko sayo na maging alerto ka. Magulo dito sa maynila.." "Oho Mang Isko, Maraming salamat ho sa paalala.. Tatandaan ko ho lahat ng mga sinabi ninyo.." sabay ngiti sa kanya. At bumaba na ako.. Kumaway pa ako sa kanya bago naglakad palayo. Palinga linga ako sa paligid.. Kailangan ko maging alerto dahil sa dami ng tao dito sa maynila.. Ganito pala karami ang populasyon dito.. Halos magka banggaan na sa kalsada ang mga naglalakad at madami rin vendor sa gilid ng kalsada na nag titinda ng kung ano ano. Matindi ang sikat ng araw dahil tanghali na at summer pa ngayon. Tumingin ako sa oras na nakalagay sa aking keypad na cellphone. Ala una na ng tanghali. Hindi ko na nagawang magpayong pa dahil mas mahihirapan akong makita ang mga karatula ng mga paupahang bahay kung meron man akong madaanan. Nag patuloy ako sa paglalakad nang may lumapit sa akin na batang namamalimos. Medyo madungis ang bata at kinalabit ako sa kamay. ako ng dalawang piso sa bulsa ng aking bag. At iniabot sa bata. Nang akmang iaabot ko na ang pera sa bata may mga nagtatakbohan na bata papalapit sa amin. "ate kami rin palimos!" halos sabay sabay nilang sabi. "Naku, pasensya na kayo mga Bata Wala din akong pera.. Naghahanap pa ako ng matitirhan at wala pa akong trabaho.." agad na saad ko sa mga ito. "Sige na Ate! Bigyan mo na kami..!" muling sabi ng isang bata. "hindi pwede dapat bigyan mo rin kami! Sabi ng isang bata na mukhang mas matanda sa kanila." Bakit siya lang bibigyan mo! " sabi naman nung isang bata na nasa gawing kanan ko at may tumulo pang sipon sa ilong. Napakamot ako sa ulo. Mukhang hindi ako tatantanan ng mga ito ah. Habang nag iisip kung paano ko sila matatakasan dahil nakaharang na sila sa daraanan ko. Naisipan kong kumuha ulit ng limang pisong tig mamiso sa bulsa ng bag ko. At sabay na inihagis sa harapan nila. "o ayan na! Yan nalang ang pera ko.. Bahala na kayo diyan!.." sabay naglakad ako ng mabilis at walang lingon likod na umakyat ng over pass. Tumawid ako sa kabilang side. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Tuloy parin ako ng pag linga sa paligid. Umaasang makakahanap ng paupahang bahay. Habang naglalakad ako biglang tumunog ang tiyan ko. Naalala kong hindi pa nga pala ako kumakain. Tumingin ako sa oras ng aking selpon ganap na ika alas dos na ng hapon. Kaya pala gutom na gutom na ako. Dahil maaga lang akong kumain bago umalis ng bahay kanina. Huminto ako sa paglalakad at luminga linga sa palagid. May nakita akong vendor sa gawing kaliwa na malapit sa over pass. Lumapit ako at tiningnan ko kung ano ang kanyang mga paninda. May nakita akong cup noodles. Tinanong ko kung magkano. "ate, magkano ho iyang cup noodles ninyo.." tumingin sa akin ang tindera "27 lang yan.. May kasama ng hot water.. Ano bibili kaba?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng tipid "sige ho pabili ako.. Isa lang.." dumukot ako ng singkwenta sa bag ko. At iniabot na sa akin ng ale ang cup noodles na may nakalagay ng hot water dito. Tumayo ako sa bangketa sa silong ng over pass at hinalo ko ang cup noodles. Habang kumakain ramdam ko ang gutom ko at umusal ako ng panalangin na sana makahanap na ako ng matitirhan bago gumabi. Natapos ko ng kainin ang cup noodles ng biglang may nagtatakbohan na mga kalalakihan. Nauuna ang isang lalake na may dalang kulay pulang bag. Habang hinahabol ng dalawa pang lalake at sa pinaka likuran ay may tumatakbo pang isang matandang babae na hinihingal pa "ibalik niyo ang bag ko parang awa niyo na!.." sigaw ng babae. Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Sa isip ko paano nalang kung mangyari din sa akin iyon. Saan ako pupulotin. Five thousand lamang ang dala kung pera at ang three thousand ay inutang ko pa kay aling pasing na ina ni Ella. Two thousand lang ang naipon ko galing sa pag extra ng paglalabada dahil bumibili pa kami ng gamot ni Inay. Kailangan kung pagkasyahin ito. Sana makahanap ako ng murang paupahan. Nagpatuloy ako sa pag lalakad. Luminga ako sa kanang bahagi may nakita akong eskinita. Tinungo ko ito at pumasok. Marami akong nakitang mga babae na nakatambay sa gilid at nagkukwentohan. Huminto ako sa harap nila at nagtanong " ahmmm.. Magtatanong lang ho ako, kung may alam ho kayo na paupahan dito na mura lang.." tiningnan nila ako mula paa hanggang ulo. At nag salita ang medyo may katabaang babae "doon sa dulo may likuan lumakad ka. May makikita kang kulay pulang pinto. Magtanong ka kung may available pa sa kanilang paupahan." saad ng babae. "Sige ho, maraming salamat.." at ngumiti ako ng tipid. Hinanap ko ang sinasabi nilang pulang pinto at nakita ko nga may nakaupo na matandang lalake sa gilid ng pinto. Nagtanong ako. "magandang hapon kuya, mag iinquire lang ho ako kung may available pa sa inyong paupahan. At kung magkano ho ang upa.. ?" Tumayo ang matanda buhat sa pagkakaupo. "meron pa kami isa iha.. At 3,000 ang paupa ko. One month advance at one month deposit.. " saad niya sa akin. Nagulat ako dahil 5 thousand lang naman ang dala kung pera. Napabuga ako ng hangin. "naku kuya wala na ho ba kayong mas mababa pa ang presyo. Hindi ko ho kaya ang presyo ng paupa ninyo. Mag isa lang ho ako at naghahanap pa ako ng mapapasukang trabaho.." saad ko dito at ngumiti ng tipid. Napailing sa akin ang matanda at sinabing "wala na iha. Mura na nga yan. Dito sa maynila wala ka ng makikita pang mura." sabay tumalikod na ito at muling umupo. "Ah sige ho.. Salamat nalang.." muli kung saad dito at naglakad palabas ng iskinita na iyon.. Bumuntong hininga ako ng malalim. Sana makahanap ako ng paupahan na mura pa. Sabi ko sa aking isip. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko at alas kwatro na ng hapon. Mas lalo akong nag alala dahil malapit na mag gabi at hindi parin ako nakakahanap ng matutuloyan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng eskinita na iyon. Sa di kalayuan may nakita akong karatula na nakasulat "House For Rent" dali dali akong naglakad papunta dito at may nakita akong batang lalake na naglalaro sa harap ng gate. Tinawag ko ito at nagtanong "bata bata saan yang paupahan na yan?!" lumingon sa akin ang bata at Lumapit hawak ang nilalaro niyang bola. "saglit lang ate tatawagin ko si nanay.." tumalikod siya at pumasok sa bahay. Maya maya pa lumabas at may kasama ng buntis na babae marahil ito na nga ang nanay niya. "ikaw ba ang nagtatanong miss? Tumango ako dito at ngumiti." sa may likod bahay namin ang available at 2,500 ang paupa kada buwan. One month Advance at one month deposit.. " napakamot ako sa aking ulo." naku hindi ko po kaya ang presyo mam.. May alam pa po ba kayong ibang mauupahan na mas mura pa..?" sagot ko dito. " Wala na miss yan lang ang meron kami dito.. Sige na wala ka naman palang pera, marami pa akong gagawin " muling saad ng babae at naglakad na patalikod. Naiiling iling ako sabay buntong hininga. Ang layo na nang nalakad ko at masakit na rin ang paa ko. Huminto ako at tinanggal ang aking sapatos. Nakita kung may paltos na ang isa kung paa sa sakong. Kaya naman pala masakit na ang paa ko. Pawis na pawis na rin ako dala ng sobrang init at uhaw na rin. Muli kung isinuot ang mga sapatos ko at Nagpatuloy sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD