Nang matapos nang kumain ang ang dalawa ay agad na tumayo si eloisa at humakbang ito papalapit sa b****a ng terrace. Tumayo siya dito at iniyakap sa kanyang sarili ang kanyang mga kamay. Naka-ngiti niyang pinag-mamasdan ang mga bituing nag-kikislapan sa kalawakan. Ipinikit niya pa ang kanyang dalawang mata at tsaka suminghot ito ng hangin. Nililipad pa ang mahaba nitong buhok habang naka-tanaw sa kalawakan. Habang ang binatang si jordan naman ay matiim itong naka-tunghay sa dalagang si eloisa. Buong pag-suyo niyang tinitigan ang buong ka-anyuhan ni eloisa. Hindi siya maka-paniwalang kasama niya na ngayon ang babaeng hindi niya nakita ng ilang buwan at tanging sa pag tawag lamang niya sa cellphone naririnig ang tinig nito. Nang hindi na matiis ng binata na patuloy nalang itong titigan a

