Chapter 5

556 Words
Halos Isang linggo na ang lumipas ng mangyare sa'min yun. Iba padin ang pakiramdam,parang nakapasok padin sya sa'kin o baka dahil unang beses namin iyon. Nag kikita padin kami after nun pero dahil busy nanaman sa school ay sa isang linggo tatlong beses nalang kami mag kita. Bihira man kami mag kita pero palagi padin kami mag kausap. Hindi kami nawawalan ng time para sa isa't isa. Matured naba kami neto? "Pechay!" lapit sa'kin ni Claire. Bwiset talaga to kahit kailan,pechay ang tawag. "Bakit bulok na pechay?" asar ko sakanya kaya agad naman syang sumimangot. "Ang kapal porket may experience kana! Btw malapit na finals. Kinakabahan ako" kunyare lang itong kinakabahan pero mataas padin ang score sa bawat exam namin. "Matalino ka naman kaya mo yan!" pag ccheerup ni mika sakanya. Nag patuloy nalang ako sa pag susulat para agad akong matapos. Mabilis din natapos ang oras at dismiss na kami. Pwede na umuwi kaya agad kong inayos ang mga gamit ko para mauna na. "Mauuna kana?" tanong sa'kin ni Claire. Tango na lamang ang nasagot ko sakanya. "Mag-ingat ka!" sigaw ni Mika sakin. Sumakay agad ako sa taxi para agad makauwi sa'min. Lumipas ang ilang linggo at mag monthsarry nanaman kami pero dahil busy dahil si Kenjie ay wala kaming ganap ngayon. Baka siguro ay matutulog ako o manonood ng mga movies. Andito lang ako sa bahay ngayon. Inaantay yung text nya sa'kin dahil ang sabi nya kanina sa'kin ay antayin ko lang ang text nya. Lumipas ang oras pero wala, naubos lang din oras ko kakanood ng mga videos online. Di nya ba naalala na monthsary namin? Tumingin muli ako sa orasan 5pm na. Ayokong mag mukmok dito sa kwarto kaya agad akong nag ayos ng sarili. Mag mmall ako mag isa. Naligo at nag ayos ako. Simple lang suot ko dahil mag titingin lang naman ako. Wala nadin akong balak sabihin sa mga kaibigan ko, hindi na para istorbohin sila. Agad akong nakarating sa mall, ikot lang ng ikot hanggang sa natanaw ko ang dalawang tao sa malayo. Nung alam kong palapit na sila ay agad akong nag tago sa gilid. Agad nanlabo ang paningin ko sa mga nakita ko. Si Shaine na schoolmate ni kenjie na may gusto sakanya at si kenjie na boyfriend ko ay mag kasama! Hindi lang mag kasama mag kaholding-hands pa! Kaya ba hindi sya sumipot sa usapan namin? Kaya ba nitext hindi nya magawa? Kaya ba nya ako nakalimutan sa araw na'to kasi kasama nya si shaine? Nang makalayo sila agad akong nanakbo paalis ng mall at dali daling sumakay ng taxi pauwi. Tulo lang ng tulo ang luha sa mga mata ko,hindi ako makapag isip ng tama. Nag vibrate ang phone ko kaya agad akong napatingin kung sino yun Love: Hi love sorry kakatapos lang ng class... Sinungaling! Ayan ang gusto ko ireply sa kasinungalinan nya. Walang hiya sya! Nag reply din ako dahil nga gusto ko sya hulihin. Kia: Hi! Mabuti naman kung ganun. Agad agad din syang nag reply sa sagot ko sakanya. Love : Opo pero baka hindi ako makapunta dyan sainyo, may inaasikaso lang. Huh?! Anong inaasikaso mo ha? Yang babae mo?! Hindi nako nag reply sakanya dahil andito nako sa bahay. Diko na pinansin ang mga tao dito at agad akong umakyat ng kwarto para umiyak. Gago ka! Gago ka kenjie!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD