"Ate Amaia, isang order ng pinakbet at adobo raw po," saad ni Michelle, at mabalis ko naman binalot ang pagkaing sinabi niya. Maraming tao dahil tanghali na, nagkataon pang malapit lang ang karinderyang pinagtatrabahuan ko sa eskwelahan, kaya puro mga estudyante ang customer ngayon. "120 po." The girl handed me the money before getting the food from me. Sumandok muli ako ng puchero at nilagay 'yon sa isang mangkok bago kumuha ng kanin para ibigay sa isang customer. I was trying to busy myself and work as fast as I could. Tatlo lang kaming tao rito ngayon sa karinderya dahil umuwi saglit ang may-ari. Halos alas-dos na ng hapon kumalma ang dami ng tao at ro'n lang din ako nakakain. "Iba talaga 'yong puchero mo, Ate Amaia! Mas masarap pa sa puchero ni Tita Melissa," nakangiting saad ni Mich

