Tatlong araw na rin kami ni Colton sa Italy, at halos trabaho lang din ang inaasikaso niya rito ngayon. Naiintindihan ko naman na trabaho talaga ang pinunta namin dito ngunit nalulungkot pa rin ako dahil wala pala kaming oras para mag-ikot at mamasyal.
I ended up sad and feeling lonely when we got home. Umalis din kaagad si Colton pagkarating namin sa bahay at mas lalong lumaki ang tampo sa puso ko. I kind of want to tell him what I feel, but I'm afraid that he might not understand it. At isa pa, matagal nang namatay ang relasyon naming dalawa simula nang makita ko siyang kasama sa kwarto ang babaeng 'yon.
I spent my time in the garden, watching the flowers swim through the wind. Hindi masyadong masakit sa balat ang araw, kaya kampante ako na libutin ang hardin ng bahay. Mayroon nag-aalaga ng mga halaman dito ngunit lingguhan kung pumunta, ayaw kasi ni Colton na may ibang tao sa bahay bukod sa aming dalawa.
"M-Ma'am! Nandiyan po pala kayo!" Nagulat ako nang may magsalita sa likod ng malaking halaman. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ang hindi pamilyar na lalaki.
"Huwag po kayong matakot, Ma'am. Anak po ako ni Cecilia, ang nag-aalaga po ng hardin dito. Pinadala po muna niya ako dahil hindi siya makakapunta dahil may sakit siya ngayon," paliwanag ng lalaki. Dahan-dahan akong napatango kahit na may pag-aalangan pa rin. It was my first time seeing him! Hindi ko rin sigurado kung alam na ni Colton na nandito ang lalaki.
Tantya ko ay halos kaedaran ko lang ito, moreno ang balat at matangkad din ngunit mas matangkad si Colton. Hinayaan niya akong maglibot sa hardin hanggang sa mapagod at naghanda na lang ako ng merienda sa kusina para sa'ming dalawa.
"Halika rito, gumawa ako ng sandwhich para sa 'tin. Kanina ka pa riyan, hintayin mo na lang din ang asawa ko. Baka matulungan ka niya sa kondisyon ng Mama mo," nakangiting saad ko. Lumiwanag ang mata ng lalaki at umupo sa harapan ko.
"Ano nga palang pangalan mo?"
Malaki kaagad ang kagat nito sa hinanda kong tinapay. "Aljur, Ma'am. Minsan na rin po akong pumapalit kay Mama rito, nagkataon lang na ngayon lang po kayo lumabas kaya ngayon mo lang din po ako nakita."
Nakakaintindi akong tumango. Base rin sa sinabi niya ay nakita na niya ako. "Huwag kang mahiya, ah? Ubusin mo na lahat 'yan. Kung gusto mo, mag-uwi ka para sa pamilya mo. May ibibigay rin ako para kay Aling Cecilia kaya huwag ka munang uuwi," bilin ko sa kanya na mas ikinatuwa niya. Nalaman kong hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Aljur dahil kapos sila sa pera. Hindi ko pinakitang naawa ako kahit na parang pinipiga ang puso ko sa kwento niya.
"May kapatid pa ako, Ma'am. Kaso nag-asawa ng maaga. Ogag kasi 'yong napangasawa, tambay rin tapos sinasaktan pa ang kapatid ko. Mabuti nga dahil naipa-barangay na ni Nanay, nalaman pa namin na babaero." Natulala ako sa sinabi niya at nagbaba ng tingin. The situation of her sister resembles mine, except for Colton being "tambay." Natawa na lang ako sa naisip, kahit na pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko.
"Thank you, ah. Ibigay mo 'to sa Nanay mo, pasensya na kung wala akong mabigay na pinansiyal dahil wala pa ang asawa ko. Hayaan mo at sasabihin ko sa kanya na may sakit si Aling Cecilia." Nagpasalamat sa akin si Aljur bago umalis dahil gabi na rin. Mayroon sakit sa bato ang Nanay niya habang ang kapatid naman niya ay single mother, sigurado akong mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nagsimulang magluto para sa hapunan. Narinig ko ang sasakyan ni Colton sa labas, kaya mas lalo kong binilisan ang pagkilos. I felt his domineering presence when he entered the kitchen. Sasabihin ko na sana sa kanya ang tungkol kay Aljur nang bigla niyang hawakan ang panga ko at tinulak ako pasandal sa sink. Halos mapasigaw ako nang tumama ang likod ko, hindi pa ako nakaka-recover nang hatakin ng isang kamay niya ang buhok ko.
"Ah! C-Colton!" I cried in pain and tried to remove his hand from its grip on my jaw, but he just tightened it.
"You really know how to f*****g piss me off, huh?!" sigaw niya at halos manginig ang katawan ko nang makita ang mukha niya. It was red, and anger was evident in his eyes. Nanghina ang tuhod ko at napahikbi nang mas lalo niyang diinan ang hawak sa buhok ko.
"C-Colton, nasasaktan na 'ko! P-Please, let go of me!" pakiusap ko ngunit hindi siya nakinig. Pinatay niya ang stove at kinaladkad ako paakyat ng kwarto namin. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganiyan. Maayos kami bago siya umalis kanina!
I screamed when my knees hit the edge of the stairs: Hindi niya 'yon pinansin kahit na umiiyak na ako sa sakit. Tinulak niya ako at pabalang akong napaupo sa hagdan. Mabigat ang paghinga niya at madilim ang kulay asul ang mata habang nakatingin sa akin. His veins on his arms almost popped out, and his hand... It was shaking in anger.
"I never allowed you to go outside because I knew you'd flirt with other guys! But you have your ways, huh? You f*****g flirted with that fucktard!" Tuluyan na akong napahagulgol at yumakap sa sarili ko. He was shouting at me, and I didn't know how to process his words. Gusto kong pakiusapan siya na huminahon at huwag sumigaw ngunit tila ba may nakabarang bato sa lalamunan ko.
"C-Colton..." natatakot na tawag ko sa kanya nang muli niyang hawakan ang panga ko. "Ilang beses na akong nagtimpi sa 'yo, Amaia! I wanted so bad to hurt you even when the first time I caught you cheating. Ano na naman 'to? 'Tangina, may bago ka na namang lalaki?" Napapikit ako habang lumuluha. Ngayon lang rumehistro sa utak ko na posibleng si Aljur ang tinutukoy niya.
My head aches, but the pain in my heart is unbearable. He was accusing me of something that I never did. Ganito ba talaga ang naging epekto sa kanya nang makita niya akong may kasamang ibang lalaki sa kama?
I closed my eyes and sobbed when I felt his fingers digging into my skin. Gusto ko na lang lumayo sa kanya at magtago. He was triggering something in me. I heard unfamiliar voices in my head, but it felt like I had heard them before. I couldn't just point it out.
"'Tangina, Amaia. Hanggang kailan mo ba 'ko gagaguhin?" I cried harder when I saw tears escape from his eyes. Gusto kong sabihin sa kanya na ako ang may karapatang magtanong n'on ngunit hindi ko mahanap ang boses ko. Binitawan niya ang panga ko at walang buhay na tumigin sa 'kin. His eyes were now cold, and it was scaring me. Basa rin ng luha ang pisngi niya ngunit hindi siya nag-abalang punasan 'yon.
"Go upstairs and prepare yourself," he told me, and his cold voice sent a shiver down my spine. Pinilit kong tumayo ngunit kaagad na bumigay ang mga tuhod ko. Muntik na akong mahulog sa hagdan kung hindi lang nasalo ni Colton ang baywang ko.
I was silently crying in pain as he carried me in bridal's style. Kumpara kanina ay mas kalmado na siya ngunit ramdam ko pa rin ang galit niya sa akin. He put me in bed at mabilis akong sumiksik sa dulo n'on upang lumayo sa kanya. I swear, my whole body was shaking because of fear. Tumayo siya sa harapan ko, frustation was clearly evident in his face, and I wanted to erase it. Ako na naman—kasalanan ko na naman.
"'Yong sinasabi mo... m-mali 'yong inisiip mo, Colton. S-Si Aljur, anak siya ni Aling Cecilia. H-Hindi ko siya lalaki. H-Hindi talaga... please, believe me," I pleaded and almost kneeled. Sinuklay niya ang buhok at kagat ang labing hinarap ako. I could feel his frustation from our distance.
"Are you really thinking that I would f*****g believe that?" Muling tumulo ang luha ko kasabay ng marahang pag-iling. Right, he never trusted me.
"Pero hindi ko naman talaga siya lalaki... kung gusto mo, itanong mo pa sa kanya. Promise, hindi kita niloloko," muling nakikiusap na saad ko. Napabuntong hininga si Colton. Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mata niya, kaya mas lalo akong kinabahan.
"Yeah. So I should go to him now and kill him; you want me to do that?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. He went to the cabinet, and my heart beat rapidly when I saw him get his gun.
"Colton! Please, mali ang iniisip mo! H-H'wag naman ganito..." umiiyak na pakiusap ko nang maglakad siya papunta sa pinto. Tumakbo ako sa puwesto niya at niyakap siya upang pigilan. He's stronger than me, but I keep my hug on him tight. Ayaw ko siyang makulong—ayaw ko rin madumihan ang kamay niya. Mas gugustuhin kong ako na lang.
"K-Kahit ngayon lang, maniwala ka sa 'kin, please? Hindi ko magagawang lokohin ka. Mahal na mahal kita, Colton. Mahal na mahal kita." Halos mapaos ako. Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit ang umiyak sa dibdib niya. I held his arm, which was holding the gun, and slowly put it down. Nanginginig ang kamay ko sa takot na baka pumutok 'yon ano mang oras. Naramdaman ko ang isang kamay niya sa baywang ko nang halos bumigay ang tuhod ko sa pag-iyak.
"D-Don't, please... don't do this. M-Makukulong ka kapag ginawa mo 'yon, Colton. H-Hindi ko kayang mangyari 'yon, please..."
"What do you want me to f*****g do then? Stop flirting with him if you don't want him dead! I swear, Amaia. I could rip off his head in no time!" he roared. I shook my head as I slowly bent my knees. Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap ang kanyang hita. I looked up at him as tears came out of my eyes.
"H-Hindi na! Hindi na ako kakausap kanino, kumalma ka lang... hindi na... hindi ko na uulitin," umiiyak na saad ko at doon lang niya binitawan ang baril. He stepped away and looked at my state. I was devastated and looked like trash. Kaunti na lang ay magmumukha akong nasisiraan ng bait. Tinitigan niya ako at nakita ko ang pagdaan ng pamilyar na emosyon sa mata niya.
He looked at me with mixed emotions in his eyes. I immediately hugged myself and looked down. "I can't believe that you really begged for that bastard's life. Do you love him?"
I shook my head vehemently. "I-Ikaw ang mahal ko, bakit mo ba 'ko tinatanong ng ganiyan?"
"Really? Then if I kill that man right now, will you be mad at me?" Hindi ako nakasagot ngunit muling kumabog ng malakas ang dibdib ko. "He's not Cecilia's son, Amaia. He tricked you. He's a f*****g thief, and he's currently going in and out of our house because you just f*****g guided him outside the house and the guard knew that he's your f*****g friend."
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. My hand trembled in fear. "He's a thief? C-Colton, ang sabi niya anak siya ni Aling Cecilia," kinakabahang saad ko.
His eyes went darker. His jaw also started moving aggressively. Nagulat ako nang kunin niya ang phone sa kanyang bulsa nang hindi pinuputol ang tingin at hinagis sa akin. I was shocked because my reflexes were active. Nasalo ko ang phone at halos mamutla nang makita ang text sa kanya ng bodyguard na may nakapasok sa bahay namin ngayon lang din.
Hindi ko manlang napansin na hinawakan niya ang phone niya kanina at nakapag-reply pa! He told the guards to let the man in and do whatever he wanted without stopping him. Nag-angat ako ng tingin kay Colton at halos panawan ako ng hininga nang makitang wala na si Colton sa harapan ko at bukas na ang pinto. Nanginig ang kamay ko at dinaga ang dibdib. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ngunit huli na dahil pababa lang ako ng hagdan ay nakarinig na ako ng putok ng baril.
I was conscious of my steps because I knew that with one wrong move, I could slip down the stairs. I slowly made my way to the kitchen, and my knees finally gave up when I saw Aljur's lifeless body on the floor, bathing in his own blood. Three steps away from him was Colton, who was looking at me with no emotion and remorse evident in his eyes. It's like killing someone was already normal to him, like he already did this many times.
My tears fell down on my cheeks when I saw the gun he was holding. I wanted to run away from him, afraid that he might hurt me too. He slowly took a step towards me and stopped just inches away. Nangangatal ang labi ko nang mag-angat ako ng tingin sa kanya at haplusin niya ang pisngi ko.
Napakalamig ng mata niya at halos hindi ko na siya makilala. Hindi ganitong Colton ang nakilala ko noon. He would not hurt or kill someone, because I knew he was gentle. Muling tumulo ang luha ko nang lumuhod siya sa harapan ko at tuluyan na akong napahagulgol nang yakapin niya ako.
"I'm sorry that you have to witness that, Amaia. This is my real nature. I killed people, criminals to be exact. I did those not only by myself, but with the help of my friends. I am part of a mafia organization, and this organization hides from the Gedéon band. I know I should have told you this before, but I'm afraid that you'll see me as a monster." Natulala ako sa sinabi niya at halos hindi na maramdaman ang paghinga.
"I killed countless people, and if you would ask me to stop, I'm sorry, but I would not. These criminals deserve to rot in hell, and it would be an honour to guide them there." His words were like a knife piercing right into my heart. My eyes slowly closed as my lids became heavier. I don't know what's gotten into me because I still smiled, caressed his cheeks, and whispered the words that would ease his heart and erase his doubts.
"I love you."