Episode Five

1993 Words
Iniwan ko sandali ang babae sa koste para puntahan si Kervin upang pag-usapan ang tungkol sa bussiness na bubuuin namin. Galing na rin kami sa presinto katulad nga ng sinabi ko sa kaniya kanina. Naireport ko na ang tungkol sa kaniya ngunit mukhang naging katawa-tawa pa ako sa harapan ng mga Pulis. Hindi raw kasi kapani-paniwala ang tungkol sa pinanggalingan ni Celestina, mahirap nga namang paniwalaan na sa ilalim ng karagatan ko siya nakuha. Ngunit ano ang gagawin ko ‘yon naman ang totoo? “Dito ka lang at ‘wag na ‘wag kang aalis, naitindihan mo ba?” sabi ko sa kaniya. “Hindi mo ‘ko isasama?” tanong naman ni Celestina sa akin. “Hindi na, basta maghintay ka lang dito. ‘Wag na ‘wag kang gagawa ng kahit na anong hindi maganda.” Tumango lang si Celestina sa akin, kampante ko syang iniwanan roon at saka kinontak si Kervin. May iniwan naman akong camera para mamonitor ang kilos nito sa loob ng sasakyan. ‘Di pwedeng makita ulit ni Kervin ang babae na iyon dahil panigurado walang katapusan na tanong ang ibabato nya sa akin. Sa kabilang dako naman ang naiwan na si Celestina ay bumaba ng kotse at may sinundan na matandang lalaki na hindi kaagad namalayan ni Aion. Almost twenty-five mins na din kaming nag-uusap ni Kervin. Tungkol ang ang meet up na to sa bubuksan namin branch ng restaurant. Magiging magkasosyo kami this time. Maboka itong si Kervin kaya naman hinayaan ko na lang syang magsalita nang magsalita. Malayo ang utak ko ngayon. Sa paglipad ng isapan ko sumagi sa akin ang babae na iniwan ko sa sasakyan kaya naman kinuha ko ang phone at tsinek ito. At laking gulat ko nang makita na lumabas ito hindi pa man nagtatagal ng iwan ko siya. Anak ng! "Hoy Aion! San ka pupunta !" Yun na lang ang tangi kong narinig bago ako kumaripas ng pagtakbo pabalik ng parking area. Tinignan ko muna sa kotse ko nguit wala siya roon. Napahawak ako sa beywang ko sa frustrations sa pag-iisip kung saan nagpunta ang babaeng ‘yon. “Sabi ko na nga ba’t magiging sakit ko siya ng ulo, eh.” "Saan ka nagsusuot na babae ka? Lagot ka sa akin pag nakita kita,” panggigigil ko. “Ibabalik kita kung saan kita nakuha," gigil ko pang sabi sa sarili ko. Nagtanong tanong nadin ako sa mga guard na mahagilap ko dahil baka sakalin napansin man lang nila si Celestina. Negative. “Sh*t! Mababaliw pa ata ako sa babaeng iyon. Tss.” Nagpasya akong bumalik ako ulet sa parking area magbabakasakali na baka naisipan na niyang bumalik. Ngunit sa kalagitnaan ng aking paghahanap ay isang pamilyar na boses ang aking narinig hindi kalayuan mula sa aking kinatatayuan. "Wag kang mag-alala matatapos na ang paghihirap mo." Pamilyar ang boses na ‘yon, tiyak ako na ang taga-sundong babae ang nagmamay-ari niyon. "Ako nang bahala sa kaluluwa mo." Nakaupo ang babae ay nakadantay ang kanang kamay sa braso ng isang matandang lalaki na mukhang– wala nang buhay.. Wait! P-pinatay nya ba ito? "A-anong ginagawa mo?" tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Tiningala niya naman ako bago sumagot. "Nariyan ka pala." Ang dating kulay lantang dahon na mga mata nito’y nagbago’t naging kulay pula na. Napaatras pa nga ako sa labis na pagkagulat sa tumambad sa akin. Ano ito? "Pi-pinatay mo b-ba sya?” ulit ko pa. Umiling iling sya. "Hindi. Ngunit do’n na rin sya patungo," sagot nya pa sa akin. Nanginig ang aking kalamnan sa kaniyang naging sagot. Kung mga professionals siguro ang kausap niya’y baka idineretso na siya sa mental Hospital dahil sa mga walang kabuluhan nyang sagot. "Kinuha ko na sya bago pa ako maunahan." "Ha? Nino?" Naguguluhan kong tanong. “Ano bang pinagsasabi mo, ang mabuti pa’y umalis na tayo. Mahirap na baka tayo pa ang pagbintangan sa nangyari sa mantanda. Ngumisi si Celestina sa akin. "Niya." Nanlaki ang mata ko ng may nginuso sya bigla. Nilingon kon naman kung ano iyon, laking gulat ko ng may lalaking naka itim na nakatayo sa harap namin. Nakatitig ito sa amin kaso wala akong makitang emosyon sa mga mata nya. Papaano siyang nakapunta rito? Wala siya kanina nang nag-uusap pa lang kami ni Celestina. "Nangingialam ka na naman Celestina." Malagong ang boses ng lalaki. Ngumisi sya. "Sana dumating ka ng mas maaga." "Tuso ka talaga," sabi pa ng lalaki. "Hindi naman." "Wait teka lang," awat ko sa dalawa. Nalilito na kasi ako sa pagbabatuhan nila ng mga sinasabi, wala naman akong maintindihan. "S-sino ba sya?" Turo ko pa sa naka kapang itim. "Sya ang pangatlo sa may mataas na rangkong taga sundo." "Taga sundo na naman?" Kunot ang noo kong bulalas kay Celesina. "Hmmp. Kamatayan kumbaga." "Ibigay mo sa akin ang kaluluwa niya kung ayaw mong mas lalong madagdagan ang kasalanan mo.” Puno na otoridad na sambit ng nakakatakot na lalaki. Kasalanan? Sa isip ko. "Tumigil ka, wala akong kasalanan. Kayo ang nagkasala sa akin!” Nagulat ako dahil first time ko lang nakita na nagalit ito. Nanlilisik ang mga mata nya na para bang handa siyang manakit ano mang oras. "Kung hindi ako ngkakamali siya ang nagbigay ng dugo sayo," sabi pa nito at muling tumingin sa akin. Tingin na humagod mula ulo hanggang aking paa. "Huwag mong pakialaman ang pagmamay ari ko. ‘Wag na ‘wag mong ididikit kahit na hintuturo mo sa lalaking ito dahil ako ang makakaharap m Awgusto," maangas na sabi ng babae. Matapang pero bat ngayon lang? Bakit kahapon tatanga tanga sya. She even spread her arms in front of me na para bang hindi niya hahayaan na may kumanti sa akin na kahit sino. "Bakit anong gagawin mo?" Palatak na tawa ng lalaki. “Wala ka namang magagawa Celestina.” Parang kidlat sa bilis na nawala ang lalaki at biglang napunta sa may likuran ko. Hawak na ako nito ngayon sa leeg. At sa isang kisap mata pa’y napunta kami sa gitnang parte ng parking area. Malayo na ako sa presensiya ni Celestina. "Arghhh..." Nakahawak ako sa mga kamay ng lalaking taga-sundo na mahigpit na nakakapit sa aking leeg. Nagawa niya akong iangat sa ere habang ang aking paa’y kumakampay sa hangin. "Bitiwan mo sya!" sigaw ni Celestina sa taga sunod. "Bakit? Uulitin mo ba ang mga nagawa mong pagkakamali noon Celestina? Handa ka bang muling kumitiw ng buhay para sa iyong sariling kagustuhan? Sabihin mo, ano ang agenda mo sa lalaking ito?” Suno-sunod ang naging tanong ng lalaking nagngangalang Awgusto. Nanlalabo na ang mata ko sa labis na pagkakapos ng panghinga. "Isuko mo ang sarili mo upang wala ng madamay na inosente. Iyon lang ang tanging paraan," sabi nito. "Hindi pa panahon para gawin ko yan kaya tumigil ka Awgusto. Wala kang alam! " Pagkasabi no’n ni Celestina ay biglang nagtunugan ang sensor ng mga kotse. Hirap man akong kumilos ngunit nagawa ko pa ring makita ang hitsura ng babaeng aking iniligtas. Ibang-iba ang kaniyang aura mula nang maiuwi ko siya sa Maynila. Tila ito naging agresibo’t walang kahit na ano mang kinatatakutan. ... Hawak nya sa leeg ang lalaki na nagligtas sa akin mula sa pagkakabilanggo. Hindi niya pwedeng saktan ito, hindi pa tapos ang misyon ko para mawala sya. "Nasabi mo na ba ang mangyayari sa kanya-" Hindi ko na sya pinatapos, napakarami na nyang sinasabi at ayokong mabulilyaso ang mga plano ko. Kailangan kong maisakatuparan ang paghihiganti na matagal kong inaasam. At walang makakahalang no’n kahit ano mang panahon pa. Nakita ko ang isang lalaki na nakatago kanina pa sa isa sa mga kotse at mukhang may kakayahan ito na makita kami sa aming anyong taga-sundo. Itinaas ko ang kanang kamay ko at hinila papalapit sa akin ang lalaki. Nagpumiglas siya, ngunit dahil wala akong awa na nararamaman ay itinuloy ko lang iyon kahit na humihingi siya ng tungkol sa bawat paghinga niya. Sinimulan kong higupin ang kaluluwa ng lalaking inosente’t hindi pa naman kaluluwa. Umangat ang paa nito sa sahig at napahawak sa leeg nya kasabay no’n ay ang malakas na ihip ng hangin. Malayo o malapit man ang isang tao na nais kong gamitan ng kanang kamay ko ay pwede, gumagana iyon. Kayang-kaya kong p*matay kung gugustuhin ko, may sumpa ang aking kanang kamay, kung saan ay kaya nitong pumatay kahit na sino man. Kumbaga punong-puno ito ng lason. Umayon nga ang plano ko galit na nagpapalit-palit ng tingin si Awgusto sa akin at sa lalaki na bihag ko. "Celestinaaaa..." Dumadagundong ang boses nito sa apat na sulok na pader. "Mamili ka ngayon Awgusto, ang buhay ng inosenteng lalaki na ito kapalit ng buhay niya" ang tinutukoy ko ay si Aion na ngayon ay nanghihina na. "Lapastangan ka! Patunay na hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na mabuhay pa sa mga susunod na panahon. Hindi ka karapat dapat sa reinkarnasyon Celestina! Mapapa-ayon ko ang tadhana at maglalaho ka na parang bula, at ang pangalan mo ay hindi makikilala o maaalala man lang ng kahit na sinong nakakakilala sayo." "Wala akong pakialam! Hindi na mahalaga sa akin kung ano ang mayroon ako ngayon o sa hinaharap. Basta't mapagbayad ko ang may sala sa akin ay handa na akong maglaho kaya naman ‘wag mo na akong takutin Awgusto. Handa ako sa lahat ng sitwasyon. "Matapang kong sagot sa kaniya. Simula nang itakwil at ipatapon nila ako’y wala na ako ni katiting na koneksyon sa kabilang mundo. Kikilos ako nang naaayon sa kung ano ang nais ko at walang makakapigil sa akin. "Walang nagkamali sayo Celestina, sa katunayan ikaw ang nagkamali sa amin." "Hindi ba sapat na patunay ang mahigit apat na daang taon na pagbilanggo nyo sa akin? Huwag kayong magmalinis." "Kulang pa ang mga taon na iyon sa mga taong pinatay mo!" Galit na galit nitong sabi. Kulang? Gaano katagal ba dapat? Sa galit ko hinigpitan ko ang pwersa sa leeg ng lalaki na bihag ko dahilan para mas lalo itong kapusin ng paghinga. "Bi-bitawan mo ba sya o papatayin ko ang lalaki na ito" pagbabanta ko sa taga kay Awgusto. Alam kong hindi nya hahayaan na mapaano ang lalaki na hawak ko. Dahil maliban sa paggabay sa mga kaluluwa ay binabalanse din nila ang buhay at kamatayan. At ilang sandali pa ay binitawan nito si Aion ngunit ako ang naging sunod na target nya. Hawak nya na ako sa leeg at saka mabalang na isinandal sa pader. "Tatapusin ko na ang kahibangan mo," turan nito na mas hinihigpitan ang hawak sa leeg ko. “Sino ba ang mas uunahin mo?" Tanong ko dahil sa oras na ito nangingisay na ang aking bihag. Ngunit alam ko na ang susunod na mangyayari, hindi magagawang balewalain ni Awgusto ang walang kamuwang-muwang na nilalang lalo na’t hindi naman talaga tadhana nito ang mamatay ngayon. Dahil kapag napatay ko siya’y magugulo ang takbo ng buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya. At iyon ang ayaw mangyari ng mga taga sundo. Ibinalibag niya akong binitawan at dinaluhan ang bihag kong mamamatay na. Inilapat niya ang kamay sa puso nito upang mapanatiling buhay pa ang lalaki. Ako naman ay dali daling tumayo at nilapitan si Aion na nawalan na ng malay. Tinayo ko sya at inialalay sa balikat ko. Malapit na kmi sa kotse ng… "Doon na kayo sa kotse ko sumakay.” Napatigil ako dahil may kumapit sa kabilang braso ni Aion. Tinignan ko sya. "Patricio?" Hindi ako sigurado pero mukhang siya nga iyon. "Bilis na," utos niya. Tumango na lang muna ako at sumunod sa kanya. Sumakay kami sa isang pulang Kotseng nakaparada sa hindi kalayuan. Nagulat pa ako sa biglang pagharuro yo’n. Na-aamaze pa rin sa sobrang moderno ng panahon na ito ngayon. "Bakit hindi ka nag iingat ?" Yon ang bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Isinalaysay ko kay Patricio ang nangyari maging ang plano na nais kong matupad. Hindi naman lingid sa kaalaman niya kung gaano ako kakati na makapaghigati sa pamilya ng mortal na nangloko sa akin noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD