Episode One

1588 Words
I am ready to take off! Yan ang nasa isip ko ngayon . Gustong-gusto ko na lumusong sa malawak at kulay asul na dagat na nasa harapan ko. I formed a nasty smile in my handsome face while holding the glass of brandy. Ninanamnam ko ang mainit na sinag ng araw sa aking balat. Tumama ito sa aking pisngi, mabuti na lamang at suot ko ang itim na sunglasses na bigay ni Aicen mula pang Europe. Hobby ko ang pag scuba diving, binibigyan ako nito ng lakas at maraming excitement sa buhay. The sea is my second life-giver. I'm addicted to it! "Aion, ready ka na bro?" tanong ni Kervin sa akin. S'ya ang buddy ko sa hobby na ito. "Yes, bro. Come on?" sagot ko. Chineck ko pa uli ang sarili, everything is perfect. The weather, ambiance, and waves are all good. This is a perfect time for this recreational activity of mine. "Anyway bro, what is your plan about the wedding? Tito was talking about it earlier." Walang pakundangan na pagtatanong ulit ni Kervin sa akin. Yah! That damn wedding! I smirked to my friend. Naka-i-irita lang sa t'wing naiisip ko iyon. "For now I'm not thinking about that bro. And I don't even care, siya ang may gusto do'n. . . Siya ang magpakasal. For all I know, it's just all about bussiness." Nilingon ko ang kaibigan ko na ngayo'y busy na sa paglagok nang alak. F@ck that wedding. Ni hindi ko nga kilala ang babae na gusto nilang ipakasal sa akin. Pero s'yempre magtataka pa ba ako? Eh, alam ko naman kung para saan ang wedding na 'yon. "So at the count of three?" lingon sa 'kin ni Kervin habang nag-streching pa. "Yeah sure!" ani ko at inilapag na rin ang baso't inalis ang sunglasses. Ngunit bago iyon ay isang ibong kulay itim ang dumapo sa railing ng aking yate. At sa harap ko pa mismo,ha. Binugaw ko ito't pilit na pinaalis, dumagdag pa siya sa pagkasira ng mood ko. "Tara na!" Aya ko kay Kervin. Sabay kaming nag dive pailalam ng dagat ng aking kaibigan. Naiwan ang yate ko sa aking bodyguard na si Sam na hinayaang kong mag-fishing sa deck. He is my trusthworthy bodyguard and driver. Sine-serbisyohan nya lang naman ako pag ganito na may pinupuntahan ako. Magkaiba ang ruta na tinahak nang paglangoy namin ni Kervin. Ganito naman kami palagi, we have our own likes and strategy. Mula sa ilalim ng dagat kita ko ang ibat ibang uri ng isda, ang ilan ay nakakasalubong ko at nakakasabay sa paglangoy. May mga kulay dalandan at asul na isda. Marami-rami pa rin naman ang mga luntiang tila damo sa ilalim ng karagatan na siyang tirahan ng mga ito. Ngunit hindi maipagkakaila na kasama nila ang mga plastic na pinagkainan ng mga tao sa paglangoy. Napailing ako habang pinagmamasdan pa nang lubusan ang malawak na anyong tubig. Madumi na nga talaga ang ibang bahagi ng karagatan. Nagpatuloy ako sa pagsisid pailalim hanggang sa isang pagong ang nakita ko sa hindi kalayuan . Lumalangoy sya na mukhang ang direksyon ay papunta sa pangpang. Napakaraming buhay ang mayroon sa ilalim nang tubig na i-ilang tao lang ang nakakakita. Ngunit pa unti unti na silang nauubos . Isinipa ko ang aking mga paa at sumisid pailalim. Hindi pa naman ganoon kalayo ang nasisid ko, kaya pa ng katawan ko ang nangyayari. Ngunit mula sa di kalayuan ay may natanaw ako na kakaiba. Isang kumikinang na bagay ang tila kumalabit sa akin at pilit kong nilapitan ito. Hinawi ko ang mga reefs kung saan naaniag ko ang kulay dilaw na liwanag . Isang malaking bato na kumikinang na parang diamante. Pinilit ko itong hilahin ngunit ayaw para bang nakadikit ang bagay na iyon doon. Sa sobrang kagustuhan ko na makuha ang mahiwagang bagay ay naitulak ko 'yon na s'yang dahilan nang tila paglubog nito papunta sa kung saan. At kasabay niyon ang pagyanig ng karagatan. Nagulat ako sa nangyari, tarantang nagpalinga-linga ako sa kabuuan ng karagatan. Ano'ng nangyayari? Bakit mukhang nagagalit ang buong katubigan? Pinakiramdaman ko muna ang paligid, mayroon ngang kakaibang nangyayari sa anyong-tubig na 'to. May bulkan ba sa pwesto ko ngayon? Mamamatay ba ako na walang nakakaalam? Tila nilalamon na nang lupa ang karagatan, malalakas na dagungdong ang nanggagaling sa kailaliman nito. Muli'y nagpalinga-linga ako sa paligid, naghahanap nang puwedeng mapagtaguan. Hindi agad ako makaka-ahon sa layo ng distansiya ko sa ibabaw ng tubig. Susundan ko ba ang mga isda na nag-uunahan din sa paglangoy palayo? Sa katagalan ko sa isang posisyon ay lumabo na ang tubig sanhi para pansamantala akong mabulag. Inabot ng isang minuto ang pagyanig na iyon parang nagkaroon ng lindol sa ilalim ng dagat. Nang muling naging matiwasay ang karagatan nagsibalikan ang mga isda na kanina ay nag uunahan na lumangoy at maghanap ng matataguan. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kinapu-puwestuhan ko ngayon. Kinabahan ako kasi baka may pating na biglang dumating at dumugin ako rito. Ngunit iba ata ang tumambad sa akin. Isang malaki at kulay ginto na barko ang sumulpot sa aking harapan. Sigurado ako na wala ito dito kanina. Hindi ko pinansin ang takot na narardaman ko mas na-naig kasi ang curiosity ko sa bagay na ito. Kaya naman lumangoy ako palapit sa nakalubog na barko. May malaking butas ang unahang parte nito kaya doon ako dumaan. Nagulat ako sa mga kalansay at lumang kagamitang pang barko na bumungad sakin. Sumisid pa ako't pinuntahan ang bawat sulok na madaanan ko hanggang sa isang kwarto ang aking nakita. Katawan ... Katawan ng isang babae na naka-kadena ang dalawang kamay at paa sa magkabilang poste. Mistula syang pinahirapan sa ayos nya, ngunit wala naman siyang kahit isang galos. Anong ginagawa ng katawan na ito dito? Naitanong ko sa sarili ko. Pero ang mas kinangamba ko. . . Buhay pa kaya sya? Mukhang nagtatagal na ako dito, kailangan ko nang bumalik sa itaas dahil mauubusan na ako ng oxygen. Ngunit ano'ng gagawin ko sa babaeng ito? Kung sino man ang may gawa nito sa kanya tiyak na napaka laking galit ang mayroon sa puso no'n para ibilanggo siya sa ganitong paraan. Mataman ko munang tinitigan ang nakakadenang babae, kulot ang kulay itim na itim niyang buhok na tinatangay ng alon. Maliit ang mukha nya na binagayan ng mahahabang pilikmata. May katangusan ang ilong at kung susukatin ang height ay nasa 5'3 ito. Masyadong mababa sa height ko na 6'. Ang suot nya... mukha syang pirata gaya ng mga napapanood ko sa pelikula. Bagay ang kulay itim at may buntot ng kung ano mang hayop na sumbrerong kaniyang suot. Nagtaka pa ako kung papaanong hindi man lang naalis sa kaniyang ulo ang sumbrerong iyon. Nangunot pa ang noo ko sa palaso na nakasukbit sa kanya. Hindi ba dapat ay espada, mukha kasi siyang pirata sa itsura niya. Pero teka bakit napakapula pa din ng labi nya? Nakababad s'ya sa ilalim ng dagat na ito dapat ay kulay lila na 'yon--dapat ay maputla na siya hindi kagaya ngayon nabuhay na buhay ang kaniyang kulay. Wait, buhay pa nga ba sya? Impossible kung Oo ang sagot sa tanong ko! Walang sinuman ang kakayaning mabuhay pa sa ganitong sitwasyon. Ako nga na nag-scuba diving lang ay kailangan nang makaahon dahil mauubos na ang oxygen na dala ko. Iniling iling ko ang ulo sa naisip ko na iyon. Baka mafia o gang ang may gawa nito sa kaniya, hindi siya makabayad sa utang kaya pinarusahan siya ng gan'to. Pero hindi ko sya pwedeng kunin baka mamaya mapagbintangan pa ako sa nangyari sa kaniya. Tama! Aalis na ako. Ngunit sa kasamang palad isang mu-munting sigaw sa aking utak ang tangi kong napakawalan paglingon sa kabilang direksyon. Napailag pa ako kasabay nang slow motion na pag-atras ko ng bahagya. Hindi ko mabalanse masyado ang katawan dahil sa kalagayan ko dito sa tubig. Kailangan ko pang ikampay-kampay ang aking dalawang kamay upang mapanatiling maayos ang aking puwesto. Nagulantang ako sa nakatayong isang kalansay na may hawak na espada. Nakaharap ito sa akin, wala naman kanina 'to. Sandali, ano ito? Napakampay-kampay ako ng aking paa't kamay sa labis na pagkagulat. Gumalaw ang kalansay at itinutok ang espada sa akin. Otomatikong napakilos ako at iyon ay papalapit sa babae. Itinaas ko ang dalawang kamay senyales na sumusuko ako. Ngunit hindi natinag ang kalansay at muling iwinasiwas ang espada ng ilang beses pa. Salamat sa diyos at nakailag ako sa kaniya. Binala-balanse ko na lamang ang aking mga kamay at paa, mahihirapan ako kung lalangoy na 'ko palayo. Hindi ko alam kung ano ang kakayahan o kayang gawin ng nilalang na 'to. Pero sa ika-apat na beses na pagwasiwas niya sa espada ay natamaan na ako. Maraming dugo ang lumabas sa braso ko. Kita ko iyon sa kamay ko dahilan para mahilo ako ng bahagya. Takot ako sa dugo! Unti-unti akong nanghina't napasapo sa aking ulo. Mauubos na rin ang oxygen ko. Napasandal na ako sa babaeng nakakadena. Namula bigla ng tubig sa paligid ko, tinatangay na pala ng tubig-dagat ang aking dugo. Pabukas sarado na ang aking mga mata ngunit naaniag ko pa rin ang paglapit ng kalansay sa akin. Ito na ba ang katapusan ko? Dito na ba 'ko mamamatay? Nagdidilim na ang paningin ko, hindi ko na kaya. Pero bago ang lahat. . . Nakarinig ako ng kakaibang tunog. Tunog ng tila nagkakalasang kadena. "Argh!" Nasapo ko ang aking ulo. Ang sakit! Parang bang pinukpok ng isang daang bote ng beer. Naisabunot ko na lang ang kamay ko sa aking batok dahil doon. What the f*ck is happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD