NAPAATRAS si Elyse nang makitang muling pumasok sa loob ng kwarto si Greta. May hawak-hawak itong kutsilyo sa kamay. “Ready na ako. Ikaw, ready ka na ba, Elyse?” Nakangising tanong ni Greta. Shocks! Mukhang tototohanin na ng babae ang banta sa kanya. God help me! “O ano na? Magsasalita ka ba o puputulin ko na ang isang daliri mo?” “Greta, please…” “Huhuhu! Greta please, no. Greta, don’t hurt me. I’m scared,” sabi ni Greta na tila ginagaya pa ang boses niya. Pagkatapos ay tumawa ito. “Takot na takot ka na ba, Elyse?” Napalunok siya habang lumalapit ito sa kanya. “Please, Greta. Maawa ka.” “Akin nang kamay mo!” sabi nito sabay hila sa isang braso n

