Tinitipa ni Elyse sa f*******: ang pangalang binanggit ng kanyang lola na kamag-anak umano ng kanyang mama Teresa pero walang lumalabas na impormasyon. Hindi naman daw nagkakamali ang kanyang lola sa pagbibigay ng pangalan. Tandang-tanda nito ang naturang pangalan ng pinsan. Pero nang tanungin niya ang kanyang lola kung anong hitsura ng taong iyon ay hindi na nito maalala. Minsan lang daw nito nakita ang lalaking iyon. Iyon lang daw na kukunin ang katawan ng kanyang ina. Napahilot ng sentido si Elyse. Makailang beses na niyang inisa-isa ang mga posibleng kamag-anak ng kanyang ina pero wala talaga siyang mahanap. Sa panahon ngayon na laganap na ang internet ay hindi maaaring wala siyang mahanap. Kahit isa man lang. Napabuntong hininga na tumayo si Elyse sa kinauupuang swivel chair. Nas

