"Ang ingay niyo kagabi. Kumpyansang-kumpyansa kang konkreto na ang bahay ah!" natatawang kantiyaw sa akin ni Ely. Pinagkunutan ko siya ng noo. "Anong mga narinig mo?" Nagtaas siya ng dalawang kilay sa akin. "Siyempre 'yong mga ungol mo. Ate naman, pwede namang i-silent 'yong gano'n," natatawa pa ring tugon niya. Nag iwas ako ng tingin sa kan'ya at mas lalo lang niya akong pinagtawanan. Nahinto lang nang dumating sina Nerry, Gideon, Dwayne at Engineer Jacob. "Sa akin ka sasakay, Lumina," ani Dwayne sabay kuha niya kay Seth mula sa akin. "So possessive, insan. Baka nakakalimutan mong kapatid ko 'yan?"ani Engineer Jacob. "She's my wife, Ferrer!" "Soon, Buenaventura. Hindi pa ngayon." "Kagabi ba sumakay ka sa kan'ya? Mukhang hindi pa nakuntento ah, at gusto pa niyang sumakay ka sa kan

