"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ko kay Dwayne. Nakahiga pa kasi kaming pareho sa sahig at nakasiksik ang mukha niya sa dibdib ko habang nakayakap ako sa kan'ya. Umiling lang siya at hindi nagsalita. "Napagod ka ba?" tanong ko. Tumango siya at wala pa ring boses na lumabas sa bibig niya. "Napagod nga yata kita," sabi ko. Umalis siya mula sa yakap ko saka niya itinukod ang siko sa sahig at ang kamao niya'y ipinangtukod niya sa ulo niya habang patagilid siyang nakahiga at nakaharap sa akin. "It's..." panimula niya. Humugot siya ng hangin saka iyon marahas na ibinuga. "My second time," pagtutuloy niya. Kumunot ang noo ko habang nakatingin ako sa kan'ya. "Second time mong ano?" Tumitig siya sa akin ng ilang sandali. "The b-blow job thing." Agad akong nagpigil ng tawa. Ang kilalang

