Pinisil ko ang kamay ni Dwayne na nakahawak sa kamay ko kaya nakuha ko ang atensyon niya at nagbaba siya ng tingin sa akin. Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. Nagtatanong ang kan'yang mga mata. "Kinakabahan ako." Pakiramdam ko ay natatae ako sa kabang nararamdaman ko. Alam na kaya ng mga nasa taas ang tungkol sa nangyari kagabi? At kung alam nga nila ang tungkol kay Ronnie ay sa malamang alam na rin nilang may relasyon na kami nitong si Dwayne. Matamis na ngiti lamang ang naging tugon ni Dwayne sa akin. Papasok na kami ng elevator nang bigla kaming pigilan ng guard. "Ma'am, may nagpapabigay nga po pala nito sa inyo," sabay abot nito sa akin ng bulaklak. Tinanggap ko 'yon at itatanong na sana kung kanino galing pero naunahan ako ni Dwayne. "Kanino galing ang basurang 'yan?" Grabe

