Simula

525 Words
Mahigpit ang hawak ko sa pregnancy kit ko habang hinihintay ko ang nobyo kong si Edward sa lagi naming tagpuan. Kabado man ay hindi ko pa rin maitago ang saya na nararamdaman ko. I'm pregnant and he's going to be a father. Masaya ako dahil ang sabi sa akin ni Edward na pakakasalan niya ako at sisiguraduhing magiging masaya ang pamilyang buuuin niya kasama ako Napahugot ako ng malalim na hininga nang makita ko siyang paakyat na sa tree house kung nasaan ako. Tipid siyang ngumiti nang mag angat siya ng tingin sa akin. "Hi, babe," agad na bati ko sa kanya sabay yapos at halik sa kanya. "Bakit ang aga mo naman yatang nakipagkita, Babe. May trabaho pa ako, eh," reklamo niya. "Pasensya ka na, Babe," may halong paglalambing sa boses na sabi ko. "May ibabalita kasi ako sa 'yo, na siguradong ikatutuwa mo," dagdag ko. Mabilis na nagliwanag ang mukha niya. "Talaga?" "Mm." Tumango ako. "Ano ba 'yan?" Halata sa boses niya na excited siya. Ako rin naman. Unti-unti kong iniangat ang pregnancy kit na hawak ko saka iyon ipinakita kay Edward. "Positive, Babe. I'm pregnant!" Dulot ng tuwa ay naiiyak ako habang ibinabalita iyon sa kanya. Nakita kong natigilan si Edward. Napatitig siya sa akin, saka unti-unting umiling. "Happy april fools day?" pilit ang tawang aniya. Nawala ang ngiti sa labi ko saka ako umiling. "Buntis ako, Babe." Mas lalo siyang umiling. "Hindi ko anak 'yan, sigurado!" aniya. Umawang ang labi ko. Nanghina ako dahilan upang mabitawan ko ang pregnancy kit na hawak saka iyon nalaglag sa sahig ng tree house na binuo naming dalawa. "Edward..." Hilaw siyang ngumisi sa akin. "We've done it safe, Mina! Nag condom ako!" "Pero..." "Kaya sigurado akong hindi tayo makakabuo. At kung buntis ka nga! Pwes, hindi akin 'yan!" Napahawak ako sa barandilya saka humigpit ang hawak ko doon. Wala akong naka s*x maliban sa kanya at alam niya 'yon. Kaya paano niya nasasabing hindi niya anak 'tong dinadala ko? Nasasaktan ako sa reyalisasyong wala siyang balak na panagutan ako. "Edward, sigurado akong ikaw ang ama nito." "Hindi nga! Hindi ko anak 'yan!" giit niya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit marinig mula sa kanya ang mga katagang hindi niya ito anak. "At saka, alam namin nating pareho na pokpok ka, Lumina. Kung sino-sinong lalake ang tumira sa 'yo bago naging tayo o baka nga nakikipag s*x ka pa sa iba habang tayo kaya ka nabuntis. Hanapin mo ang ama ng batang pinagbubuntis mo, hanapin mo do'n sa bar kung saan ka nagtatrabaho, dahil sigurado akong hindi akin 'yan!” mahabang sabi niya bago ako tinalikuran at iniwan sa tree house. Tila nanginig ang buong katawan ko. Ang akala ko ay tanggap niya ang nakaraan ko. Pero napatunayan ko ngayong hindi, at idinamay niya pa ang anak naming dalawa. Oo, pokpok ako. Nagtrabaho ako sa isang bar bilang prostitute para mabuhay, para mapag-aral ang sarili ko at ang mga kapatid ko. At hanggang sa huling hininga ko yata ay bibitbitin ko ang kadungisang iyon. Dahil sino ba naman ang magmamahal ng totoo sa mga katulad ko? Sa mga babaeng naging pokpok katulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD