Nanlaki ang kan'yang mga mata ilang sandali lang nang walang nakuhang tugon mula sa akin. "Oh! Sorry. Did I offend you?" Pilit akong ngumiti at mabilis na umiling. "Hindi. Nagulat lang ako sa tanong." Ngumiti siya ng matamis, tila nakahinga ng maluwag. "I see. You know, hindi naman kasi bago 'yong fact na 'yon. Fact because hindi iyon basta chismis lang. People here already knew what kind of a man Dwayne is. The moment you stepped onto his office as his assistant, he already owned you. Nasa kontrata 'yon. Kaya naitanong ko kung nag s*x na ba kayo. I'm sorry if I asked something private." Napalunok ako ng makailang beses habang nakikinig sa kan'ya. Kontrata? Nasa kontrata 'yon? Hindi ko maalalang... Nanlaki ang mga mata ko. Oh! Shoot! Naalala kong pinapirma nga ako ni Joseph ng kontrata

