CH 1 : New Student

1792 Words
- ERICA's POV - HELLO, magandang umaga. I'm Erica Mae Delos Reyes. Mapayat, maputi, matangos ilong then may pagkamahaba at pagka curly ang buhok. Hindi ako maarte na babae. Hindi ako mahilig sa make up kasi nangangati ang mukha ko kapag naglalagay ako. Konting polbo lang ayos na. Maganda ako charr. Oo, maganda nga ako. Maniwala na kayo oh ako bida dito eh. Boyfriend? Wala ako niyon. May nanliligaw sa kin pero mukhang di naman seryoso eh. Yung iba nga takot pa kay Kuya King. Ako ang bunso. Dalawa lang kami ni Kuya King na magkapatid. Si Mommy nasa States, laging busy sa business niyang restaurant. Si Dad naman, ayun kasama namin sa bahay. May business din si Dad. Isang resort sa province namin na nasa Batangas. Then may sarili din kaming company ng energy drink at softdrinks. Medyo lumalaki kita. Busy kasi lage si Dad. Doble doble trabaho. CEO kasi sya sa company namin then yung resort namin eh may nagma-manage dun. Lagi naman updated si Dad sa resort kung ano na nangyayari. Yes, we are wealthy. Pero kahit mayaman kami, hindi namin yun pinapakita sa labas. Simple lang kami manamit. Kahit mayaman kami, hindi malaki bahay namin. Yung katamtaman lang ganun. Yung two storey na bahay lang tapos may kusina, banyo, sala pero walang swimming pool. Ayaw ni Dad at Mom na malaki ang bahay kasi nakakatakot daw. Ang konti konti lang namin, tapos titira pa kami sa malaki na bahay, di na kelangan. "Dad, aalis na ako..." "Ooh.. Magpahatid ka na sa Kuya mo. King ihatid mo 'tong kapatid mo. Tutal aalis ka rin naman." "Dad naman, ayoko nga. May pupuntahan pa ko." sabi ni Kuya King. "Wag na Dad. Ganyan naman talaga yan si Kuya eh. Hindi na ako hinahatid. Siguro may girlfriend na yan Dad kaya yan ganyan." biro ko. "Tumigil ka nga. Umalis ka na." Ibabato sana ni Kuya King yung tinidor na hawak nya na may nakatusok na hotdog pero hindi na niya natuloy kasi tinignan sya ni Dad ng masama. Napangiti na lang ako. "Sige na Dad mwah. Alis na ako. Gagamitin ko na lang 'yung scooter ko papuntang school." "Ikaw bahala. Sige. Ingat ka," sabi ni Dad tapos nag wave na ako sa kanya. Binigyan ko lang "Behlat" sign si kuya tapos gumanti rin siya sa akin ng ganun na sign. Masanay na kayo sa aming dalawa ni Kuya King. Masyado talaga kaming parang bata kapag nag aasaran. Sobrang close ko kaya yan si Kuya. Nagscooter na lang ako papuntang school namin. College na pala ako. Sophomore na ako as an HRM. Si Kuya King naman eh college na rin sya. Malapit na sya grumaduate sa course na Business Management. Ang gusto ko talaga na course ay MassCom pero ayaw ni Mom. Si Dad okay lang pero si Mom hindi. Kaya ayun, natapon ako sa HRM kasi gusto ni Mom na may sumunod sa yapak nya. Si Kuya King naman eh Business Management naman talaga kinuha nya. Eh sa dun sya mahilig eh. Para na rin siguro sa company kaya yun ang course na kinuha ni Kuya King. Pinaandar ko na yung scooter ko then pinatakbo na. Malapit lang naman yung school namin eh. Pagdating ko sa school, pinarada ko na yung scooter ko sa gilid. Tapos hinubad ko yung pink ko na helmet. As usual, papasok ako sa school na masyadong gulo ang buhok dahil sa helmet na suot ko. Sinalubong naman ako ng aking one and only bestfriend ng aking buhay na si Maika.  "Friend!" tawag nya sa akin tapos kumakaway pa siya habang papalapit ako sa kanya. "Friend!" sabi ko naman. "Ang gulo na naman ng hair mo." abi niya nang nakalapit na ako sa kanya. "Okay lang yan. Konting suklay lang yan, okay na." "Eh di wow. Tara na nga. Maglakad na tayo at may ikukuwento pa ako sa 'yo." Lage naman ganyan si Maika. Umagang umaga may dalang baon na storya o kaya naman chismis. O kaya tungkol sa crush niya ganun. Nakikisabay na lang ako. "Friend, alam mo ba na may new hottie na transferee sa school natin! My god!" Oh tignan mo 'to. Kinikilig na dahil may new student ang school. Isa pa daw hottie student which means gwapo na studyante. Aish. Kanina lang eh nag kwento sya about sa crush nya tapos ngayon eh about naman sa new student tapos kinikilig pa. Wag tularan 'to. Mabilis magbago ng mahal chos. Pero na-iintriga ako sa new and hot student na 'to ah. Tignan natin kung gwapo ba or baka mukhang bakulaw bwahahaha. "Hoyy, tumigil ka na. Di ba may Martin ka na. Di ba crush mo yun. Kaya wag ka ng kinikilig kilig dyan. Mukha kang tanga." Tapos naglakad na ako. Nauna ako naglakad kay Maika kasi mukhang tanga dun na kinikilig. Habang naglalakad ako eh bigla na lang akong napahinto sa paglalakad ng biglang may nakita ako na hindi talaga dapat makita ng birhen kong mata chos. Oo, may nakita ako. Nagulat kasi ako na may naghahalikan doon sa gilid ng locker. Eeww.. PDA sila ah. Tsaka yung guy na kahalikan ng girl eh parang ngayon ko lang nakita. Or maybe hindi ko lang talaga siya napapansin around the campus kaya parang naninibaguhan ako doon sa guy. Siguro hindi ko na lang dapat sila panuorin. Baka sabihin nila eh gustong gusto ko yung ginagawa nila. Tss hindi no! Malalandi sila! Umalis na lang ako doon tapos naglakad na lang ulit. --- Nakarating naman ako sa classroom sa magiging unang subject ko. Nandito na rin mga classmate ko sa room. As usual, nag-uusap sila. And then yung pinag uusapan naman nila ngayon eh yung new student nga. Sino ba kasi 'yang new student na yan ah. Artista ba yan kaya laging pinag uusapan or sadyang sobrang gwapo talaga ng new student na yan kaya itong mga classmate kong mga babae eh halos hindi na makahinga dahil sa kilig. Aish. Bahala nga sila. Matutulog muna ako. Wala pa naman ang prof namin eh. Tsaka may 10 minutes pa ko na matulog. Si Maika, hindi kami magka-classmate ngayon. Kaya magkahiwalay kami ng room na pinasukan. 10 minutes later... "Good morning Ma'am!!" Napamulat ako ng mata ko kasi mukhang nandyan na yung prof namin. Umayos na ko sa upuan ko. Ganun rin ang ginawa ng mga classmates ko. "Okay, get 1/4 sheet of paper. We will have a short quiz.." Ang reaksyon naman ng mga classmate ko eh parang mamamatay na. Merong nagulat, merong nag-aalala kasi hindi siguro nakapag review bago pumasok, may iba naman na kinakabahan kasi kung si Ma'am kasi magbibigay ng quiz eh sobrang hirap, meron din na naiiyak kasi hindi ini-expect na magkakaroon ng surprise quiz. Pero meron din naman na confident sa quiz kasi sila yung nakapag aral talaga. Kayo? Ano kaya dyan? Nag aral naman ako kagabi kaya wala ako dapat ipangamba. Nagulat lang talaga ako kasi surprise quiz itong kakaharapin ko. Nagkaroon naman ng commotion sa room dahil nga sa suprize quiz na ito. Pero kahit na ganun, tuloy pa rin ang quiz ni Ma'am para sa amin. "Class, whether you like it or not, magku-quiz tayo. Kung ayaw nyo, maglo-long quiz tayo next week kung ayaw nyo mag quiz ngayon. So, get 1/4 sheet of paper now!" Wala na. Wala na talaga. Magku-quiz na talaga. Okay na rin to 'no kaysa naman next week na mag-long quiz kami eh sobrang hirap na niyon. Kumuha na ako ng yellow pad. Tinupi-tupi tapos dila then punit hanggang sa naging 1/4 na sya. Binigay ko naman sa mga abangers yung mga natirang 1/4. Ganyan naman sila eh. Umaasa lng sa classmate. Kawawa ako. Hayysss. And then nagsimula na nga ang madugo-dugong short quiz namin. Ano ang subject ko ngayon? Accountancy! ---- Pagkatapos ng first subject ko, daretso na ako sa next subject. This time, classmate ko na si Maika. Naglalakad na kami papunta sa room para sa next subject namin. "Friend, may ikukwento ako sa 'Yo" Here we go again. "Oh ano naman yun!?" "Teka, wag kang masyadong atat ah. Sure ako na matutuwa ka sa ikukwento ko." "Bilis na. Ano kasi yun." Tagal ah. Pa-thrilling pa sya. Pakainin ko sya ng tubo eh. "Eto na nga. Ang pangalan pala ng new student ay James Ryan Omamalin." "Oh tapos. Ano naman?" Wala talaga akong pakialam sa bagong studyante na 'yan. Sikat ba yan para dapat kong kilalanin? "Eeehhh.... KJ mo ah. Si James Ryan daw ay isang HRM student rin. I think na kick out sya sa ibang school dahil sa kalokohan niya. And then, magkaibigan daw ang Dad nya at ang may ari ng school na to kaya dito sya pinapasok. Actually, yung mga studyante na may bad records sa ibang school eh hindi na tinatanggap sa ibang school kasi nga kelangan ng good moral character. Pero si James, mukhang madali at mabilis siyang pinapasok sa school na 'to because meron silang connections sa pamilya ng may ari ng school" Teka? Na kick out sya? Bakit? Ano ba ang kalokohan nya? Don't tell me his a gangster..? Nahh... hindi 'no! Gangster niya mukha nya. "Ate, pabili po ng dalawang buko juice pati dalawang camote cue." Nakita ko na bumibili na si Maika dun sa tindera na suki namin ng favorite namin na buko juice at camote cue. Ako naman eh nagtataka pa rin kung ano ba talaga ang kalokohan na ginagawa nang James Ryan na yun sa ibang school kaya sya napatalsik. Siguro nan-r**e sya? Or maraming nabuntis? Ang manyak naman nya!  Teka, ba't ko ba pinapakialaman yung buhay ng James Ryan na yun!? "Oh," sabi ni Maika sa akin tapos binigay nya sa akin yung camote cue pati yung buko juice na binili nya para sa akin. Pagkatapos ay dahan dahan na ulit kaming naglakad. "Then ayun na nga, sa katunayan, hindi ko pa nakikita yang James Ryan na yan eh. Pero sabi naman ng mga classmate ko eh naging classmate daw nila yun sa ibang subject. Eh di wow! And take note friend ah, gwapo daw sya yun ang sabi sabi," pagpapatuloy ng kwento ni Maika sa akin. "Gwapo? Baka sabihin mo mukhang apes," sabi ko naman. "Ikaw bahala. Basta ako, I hope sa next subject natin, classmate natin sya," sabi ni Maika. "Ohhh... Ate pabili ako nito," sabi ni Maika ulit sa isang tindera. Kahit kelan talaga matakaw yang si Maika. Bili ng bili. "I hope hindi," nagsasalita ako dun habang naglalakad. Hindi ko alam na wala na pala si Maika sa tabi ko kasi pumunta siya doon sa isang tindahan para bumili ng pagkain. "Kasi kapag naging classmate ko sya at nakita ko sya, siguradong ihuhulo-----oooggg waaaahhhh!!!" Bigla na lang ako nadulas kasi nakatapak ako ng balat ng saging. Tapos dahil dun natumba ako. Buti na lang eh may malambot na bagay ang sumalo sa kin. Pero mukhang nabasa ko sya ng buko juice ko at namantsahan ko pa yung uniform nya ng camote cue ko. Waaahh patay!! Nakatalikod ako sa kanya nang bumagsak ako. Pero bigla naman akong napatingin sa kanya. WAIT!?? Teka!? Siya yung lalaki na nakita ko kanina doon sa may locker ahh. Yung lalaki na may kahalikan na babae kanina. Oo, sya nga yun... hindi ako nagkakamali!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD