- RYAN's POV -
Bakit parang iba kinikilos ngayon ni Yhadz ah. Mukhang may tinatago sya sa kin eh. Ano kaya yun? Dito pa talaga kami dumaan sa back door ng canteen eh anliit liit lang kaya ng back door. Ayaw na lang doon sa entrance.
Ito kami ngayon, naglalakad. Tutal wala kaming klase kasi vacant kaming dalawa two hours.
Classmate ko ulit sya sa next subject ko. Hindi ko alam basta yun ang nakalagay sa COR ko na schedule eh.
Oo nga pala, magtatry out ako sa basketball mamaya. Magaling kaya ako magbasketball hindi nyo lang alam.
Oo na Oo na ako na magaling. Eh sa hilig ko ang basketball eh.
At yun, magtatry out ako pero dapat kasama si Yhadz. Ayoko na iwan nya ko 'no. Manunuod lang naman sya dun. Tsaka, for support lang naman ang gagawin nya eh. Dapat lagi kaming magkasama kasi di ba nga girlfriend ko sya. Hindi dapat kami nag iiwanan. Tss.. Ano ba Ryan!? Nababading ka na sa sinasabi mo eh. Tsss..
Pumayag naman syang sumama para panuorin ako sa try out kasi nandun rin naman yung kaibigan nya eh.
"Yhadz, two hours ang vacant 'no?" tinatanong ko lang. May gusto kasi akong gawin eh.
"Oo. bakit mo natanong?" say nya.
"Wala lang. Saan ba tayo pupunta?" baka naman tatambay kami. Tss.. boring ah. Baka makatulog na naman ako nyan.
"Tatambay.." Tss.. sabi ko na nga ba eh.
Ah! Alam ko na.. "Yhadz, tara.." tapos hinawakan ko kamay nya tapos hinila ko sya palabas sa school.
"Hoyy. Ryan, saan ba tayo pupunta.?" say nya habang hinihila ko pa rin sya; hawak hawak ko pa yung kamay nya.
"Basta.."
Eh pupunta lang naman kami ng Mall. Wala, mamasyal lang for two hours. Kabagot magtambay eh. Tss..
Hindi na naman sya umimik sa sinabi ko. Basta hinila ko na sya papunta sa sasakyan ko.
"Sakay.."
"Ha? Teka? Saan ba tayo pupunta ah!?" tanong nya.
"Basta nga. Sakay na.."
Sumakay naman sya tapos ako eh pumunta na sa driver seat. Pinaandar ko na yung sasakyan ko tapos umalis na kami.
---
- ERICA MAE's POV -
Ano ba tong lalaking to? Hila ng hila. Tinatanong ko naman kung saan pupunta, sasabihin nya lang na basta. Tss.. ang gulo nya ah. Kinakabahan Tuloy ako.
Aish. saan ba talaga kami pupunta ah?
At yun nga, nakasakay ako ngayon sa sasakyan ng lalaking to. Hindi ko talaga alam kung saan nya ko dadalhin. Kinakabahan ako.
Pero pinagmasdan ko si Ryan habang nagda drive. Serious lang sya sa pagmamaneho nya. Ang tahimik rin kasi wala ni isa sa amin ang nagsasalita.
After 5 minutes, hininto na ni Ryan yung sasakyan nya. Bakit kami huminto? Nasaan na kami?
Tumingin ako sa bintana at nasa mall kami. "Ba't mo ko dinala dito? Ano gagawin natin dito?"
"Wala lang. Gusto ko lang gumala. Ayoko tumambay baka makatulog na naman ako."
"May pasok pa tayo eh."
"Oo nga pero mamaya pa naman di ba. Two hours pa vacant natin. Gumala muna tayo." tapos bumaba na sya sa sasakyan nya. Sumunod naman ako sa kanya. Sa tutal, wala na rin naman kasi akong gala eh. Kapag wala kasi namang pasok eh nasa loob lang ako bahay, typically sa kwarto. Nagkukulong ganun!
Kaya maggagala muna ako. Naalala ko Tuloy dati na kapag gumagala ako eh ako lang mag isa. May time na kasama ko si Maika pero may araw din na hindi ko sya kasama kasi may ginagawa sya. Kaya ayun, loner ako sa mall.
Pero sa ngayon, gagala ako na may kasama... at ito pa talagang si Ryan ang kasama ko. Bakit ba? Ano ba problema Erica kung si Ryan kasama mo? Kilala mo na naman sya di ba. Fake boyfriend mo nga yan eh. Aish. Iniisip ko kasi na date ito. Aish.. anlandi ko na ah!
Mabuti na rin at makakapaggala kami ni Ryan. Ito na rin yung way para maka move on sya.
"Tara na.."
tapos hinila na naman nya ako hawak hawak nya kamay ko! Ba't ang hilig na nyang manghila ah!
Aish. Pero infairness, ang lambot ng kamay nya. Wala siguro tong trabaho sa bahay nya. Saan ba sya nakatira ah?
At bakit ba kelangan ko pang malaman? Anlandi landi ko na talaga.
Pumasok na kami sa Mall. At yun, naglakad lakad lang kami. Pumunta kami sa Mcdo para kumain. Tss.. kakain na naman. Kakakain lang namin kanina di ba.
"Hoy! Kakain ulit tayo. Wag na busog na ako.." say ko.
"Okay, mag arcade na lang tayo. Tara.." tapos hinila na naman nya ako. Ito talaga eh si Boy hila. Hila ng hila eh.
At yun nga, dinala nya ako sa Tom's World. Mahilig pala syang maglaro eh. Hmmf. matagal na rin akong hindi nakakapaglaro kaya maglalaro muna ako.
Nagpapalit muna kami ng token bago maglaro. Si Ryan naman eh naglaro dun sa House of the Dead 3. Ako naman eh dun lang sa kukunin yung teddy bear sa loob ng salamin.
Naiinis na nga ako kasi hindi ko makuha yung stufftoy na Jibanyan. Ang cute cute kaya ni Jibanyan. Sya favorite ko na YOKAI pati si Whisper favorite ko rin sya hihihi (^.^). Adik na ba ako sa YOKAI WATCH haha.
Aaargghh! ヾ(T(エ)Tヽ) Ba't ba ang hirap nyo kuhain mga stuff toy kayo! huhuhuhu (T⌓T)
Bata pa lang kasi ako eh hindi na ako nakakakuha ng teddy bear dun sa loob ng salamin. Bakit? Si Kuya King nga nakakadami na, ako wala pa huhuhu (╥_╥)
Okay, last token na to. Sana makakuha na ako. Okay, ito na, ihuhulog ko na para makalaro ako. Para na kong tanga. Hinalikan ko pa yung token para swertihin ako.
At yun, hinulog ko na. Nagsimula na akong galawin yunh kambyo. Tapos tinutok ko dun sa stuff toy na Jibanyan. Ayan, sige I'm sure na makukuha ka na Jibanyan. Mapapasaakin ka na.
Pinindot ko na yung "DOWN" button tapos ...
(・∀・)
(」゚ロ゚)」
Huhuhuhuhu o(╥﹏╥)o Hindi pa rin sya nakuha. Akala ko swerte na makuha ko na yung stuff toy na yun pero hindi pa pala! Tss.. ang malas ko talaga sa larong to! Ayoko na nga nyan. I swear, hindi na ako magta try maglaro nyan. Cursed that game! "ψ(`∇')ψ
Sa inis ko eh gusto ko na sipain yung nilalaro ko. Eh sa naiinis ako eh. 40 pesos nagasto ko para sa token tapos ilan lang ang token nyun, 8 piraso tapos naubos lang dito sa larong to! Walang hiya! (T⌓T)
"Oh, bakit parang badtrip ka?"
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Ryan. Nakita ko na andami na nyang hawak na ticket. Hmf. I'm sure na na master na nya yung mga laro dito kaya nakakuha sya ng ganyan kadaming tickets. Kapag kasi magaling ka sa mga laro dito sa arcade, marami kang tickets ang makukuha. Yung ticket na yun eh pwede mong papalitan ng kahit ano mang item. Mas madaming tickets, mas marami kang makukuhang items. Di ba, ang galing.
Ako eh wala akong hilig dyan. Ang nilalaro ko lang talaga sa mga arcade eh itong kukunin mo yung stuff toy sa loob ng salamin tapos kapag nakuha mo, sa Yo na Yan. Pero ang malas malas ko siguro sa larong yan. Never pa ako nakakakuha ng stuff toy. huhuhuhu (╯︵╰,) Sayang pa naman yung stuff toy na kinukuha ko kanina. Favorite character ko pa naman sya sa YOKAI WATCH. huhuhu (╥_╥)
"Wala.." say ko na lang.
"Wait.. ako nga."
Pumunta sya dun sa nilalaro ko kanina. Tapos naghulog ng token para maglaro. Ako naman eh tumitingin lang sa ginagawa nya. Hmf. Tignan natin kung makukuha mo yang stuff toy na yan. I'm sure na hindi nya makukuha yan.
Ayan, pinindot na nya ang down button. Ang akala ko maiipit sa ipit yung stuff toy pero na amazed ako nung naipit tapos nakuha nya. Hala! Ba't sya nakakakuha? Ako hindi! Eh di sya na! Sya na magaling! Palakpakan natin! whuuu ┐( ̄ヮ ̄)┌
Kinuha naman nya sa box yung stuff toy na nakuha nya. Yung nakuha nya eh si Jibanyan. Medium size lang sya pero cute pa rin na stuff toy.
"Oh.." say nya.
"Ha?" ako naman nagtataka.
Kasi naman pagkuha nya kasi sa stuff toy eh inabot nya sa kin. Wait? Ibibigay nya tong stuff toy nya sa kin? Whaaaaa... ambait nya ah! ヾ(@^▽^@)ノ Wait. Sure ba syang ibibigay nya sa kin tong si Jibanyan. Ha!
"Sayo na to." say nya. Inaabot pa rin nya sa kin yung stuff toy na Jibanyan na nakuha nya sa laro.
"Ha? Sure ka? Para akin to?" say ko. Naninigurado lang ako. Baka hindi akin! Aish. Erica, kahit kelan talaga eh ang tanga mo. Binibigay na nga, nagpapakipot pa.
"Oo. Kanina ka pa kasi hindi makakuha ng stuff toy eh kaya ako na lang kumuha." say nya.
Hala! Ambait nya ah. Kinuha ko na lang yung stuff toy na binigay nya sa kin. Whaaa.. meron na akong stuff toy na Jibanyan! Whaaaa O(≧∇≦)O ヽ(^。^)***"Paano mo ginawa yun?" say ko nung kinuha ko na yung binibigay nya sa kin na stuff toy.
"Ano yun?" say nya.
"Paano mo nakuha yung stuff toy. Eh pag ako kasi hindi ko nakukuha eh."
Tumawa sya. "Kelangan mo lang naman kasi ng patience para makuha mo yung gusto mo. Para lang yang nanliligaw. Dapat kelangan ng patience at paghihintay, para in the end, makuha mo yung gusto mo" say nya. Corny ah! Hugot pa! "Halika,tuturuan kita." say pa nya tapos pinalapit nya ako dun sa nilalaro ko kanina tapos sya naman eh pumwesto sa likod ko.
Naghulog na sya ng token tapos nagstart na kami maglaro. "Hawakan mo yung kambyo." hinawakan ko naman. "Ganto lang yan oh..."
Bigla nyang hinawakan rin yunh kambyo na hawak ko. Tapos ginagalaw galaw nya. "Dapat alam mo kung saan iipit yung pang ipit para makuha mo yung gusto mong stuff toy. Teka.. isog pa natin konti.. Ayan.. at kapag sure ka na maiipit mo na yung stuff toy na gusto mo, dapat positive ka na makuha mo yan." Tapos bigla nyang pinindot na ang Down button..
At ayun nga, nakuha nga yung isang stuff toy. Ngayon naman, si Whisper na stuff toy ang nakuha nya. Tss.. ba't ba ang galing nya sa mga ganito.
Kinuha naman nya sa box yung nakuha namin na stuff toy tapos tapos binigay nya sa kin.
"Oh.." say nya tapos inaabot na naman nya sa kin yung si Whisper the Stuff toy.
"Akin rin yan? Ibibigay mo rin sa kin yan?" say ko. Naninigurado nga lang di ba.
"Oo.. Sa 'Yo na yan. Bigay ko sa Yo." say nya. "Oh..." sa ngayon naman eh kumuha sya ng token sa bulsa nya tapos binigay sa kin. "Try mong ikaw gumawa. Pagbalik ko dapat may nakuha ka na." say nya tapos umalis sya papunta sya doon sa palitan ng items.
Sige nga, i-try ko kaya to!
Hinulog ko na yung token sa hulugan tapos nag start na ko. Okay, kelangan ng patience para makuha gusto ko. Dapat tama rin ang tyempo. At kapag sure na ako na iipit na yung ipitan sa gusto ko na stuff toy, pipindutin ko na yung Down Button at iisipin ko na makukuha ko yun positive.
At hanggang sa...
WHAAAAAAAAA ヽ(*≧ω≦)ノ
Sa wakas, nakakuha ako.. Ansaya saya ko grabe! ( ^∇^) Hindi ako makapaniwala na nakakuha ako. Ang nakuha ko ngayon na stuff toy eh yung bidang lalaki sa YOKAI WATCH. Whaaaa I can't believe this. Nakakuha ako. Dapat ipakita ko to kay Ryan.
Dahil sa sabik nga akong ipakita kay Ryan, pumunta ako sa kanya na nasa palitan ng item. Pero pagharap ko sa kaliwa papunta doon eh may nakaharang sa kin.
Hindi ko kilala to kasi nakaharang mukha nya ng large size pink na teddy bear. At nung binaba naman nya eh nakilala ko na kung sino tong nakaharang sa unahan ko.
And sino pa ba? Eh di si Ryan! Nakangiti pa sya habang dala dala nya yung teddy bear na yun.
Teka? Bakit may dala syang teddy bear na pink. Para kanino yan?
"Ryan tignan mo oh. Nakakuha ako.." say ko sa kanya. Siyempre, proud ako sa sarili ko na nakakuha ako. First time ko kaya to.
"Wow. galing ah.. ganun lang dapat gawin mo para makuha mo gusto mo." say nya habang nakangiti sa kin. Then.. "Oh.."
Ha?
Inaabot nya kasi yung large size na pink na teddy bear eh. Mukhang... binibigay nya sa kin yung teddy bear.
Ha? ('・_・')
"Bakit?" say ko.
"Para sa yo." say nya while nakangiti.
"Sure ka.?" sure ba talaga sya na binibigay nya sa kin yang Large size na pink teddy bear na yan. Sobra na sya ah! pramis.
"Oo. Bibigay ko na sa Yo to kasi ito nakuha kong prize na item dun sa tickets na nakuha ko. Accept it as a gift galing sa kin."
Hala! How sweet naman nya? Nakaka inlove sya sa totoo lang sa pinag gagawa nya sa kin. Tss..
Tinanggap ko naman yung teddy bear na bigay nya sa kin. "Hala, thank you ah. Nag abala ka pa. Ayan tuloy, dami ko ng stuff toy galing sa 'Yo."
"Wala yun. Para sa Yo talaga yan.."
Really? Para sakin talaga to? Ang ganda kaya pakinggan yun.
"Salamat ah."
"Well, your welcome.. Basta samahan mo lang ako sa try out sa basketball mamaya."
"Sure why not. Thank you ah.."
"Wala yun."
At pagkatapos nyun, nagkatitigan kami. Matagal siguro yung titigan namin sa isa't isa bago pa si Ryan ang nagputol.
"Tss.. Tara na." say nya tapos sabay na kami umalis dun sa arcade.
Hayy! Ito hindi ko makakalimutan sa buhay ko.... kasama si Ryan. Pramis! (⌒_⌒;)
---