Sa mga nagdaang araw na pagsasama nina Kathleen at Max, napagtanto niya na ginagawa nga ni Max ang sinasabi nito. Hindi rin naman ito nangamba na baka mawawalan ito ng mga business partner dahil sa ginawang eksena nilang magkakambal kamaikalan lang. Ang inaalala lang naman nito ay siya. For some reason, that realization left her shaken. Ngunit ang isang bahagi ng kanyang utak ay nagsasabing hindi siya dapat maniwala sa lahat ng ipinapakita nito. Ang hirap kasing paniwalaan na mas mahalaga raw siya sa lahat ng meron ito ngayon. Ni hindi pa nga niya nakakausap ang grandma nito. Pero gayunpaman, pinapakita naman ni Max kung gaano siya kahalaga nito, at least naiibsan ang mga pangamba niya. Ngayon lang nang magbalik siya sa trabaho, patong-patong na ang kanyang trabaho pero hindi naman siya

