Rizalyn . Nakakainis. Angtagal niyang bumalik! "Madam Riz,handa na po ang umagahan ninyo," si Chef Steve sa akin. Napatingin ako sa banda na kung saan ay ang ekslubsibong puwesto ko rito. "Salamat, Chef Steve. The best ka talaga!" Hand approve ko sa kanya. Tumalikod na siya at ngumuso na ako sa sarili. Humakbang na din ako palapit sa mesa, at nalungkot ako nang makita kung ano ang nakahain dito. I'm not on a diet. Kakain ako sa gusto ko, pero simula nang bumalik si Nestor sa syudad para sa sariling negosyo ay nawalan na ako ng gana. Oscar is annoying at times, and we are okay now. Hindi ko kinaya ang isang buwan na gusto niya. Binasted ko na agad siya! I have explained to Papa everything and he understand it. Nanghinayang si Papa sa amin ni Oscar dahil nakikita niya na malaki raw a

