Rizalyn . "Ate naman eh!" reklamo ko. Para akong bata dahil hindi ko gusto ang damit ko. "Huwag ka ng magreklamo! E, sa wala na akong oras at kamuntik na nga akong mahuli kagabi sa huling biyahe. Iyan na ang suotin mo. E, kahit ano naman ang susuotin mo ay bagay naman sa 'yo, Riz. Walang problema. Maganda ka at sexy. Keri mo na iyan ano!" Napanganga ako sa sarili. Dapat ako ang magalit 'di ba? Pero bakit parang siya pa! Kalokohan talaga. "Pero, Ate, alam mo naman kung bakit ayaw kong gamitin ang kulay ng damit na ito. Kahit na sabihin mo na binago mo ang desenyo, ay iyan pa rin ang damit na iyan na ginamit ko sa pesting bachelor's party niya noon! I will never ever wear that! Over my dead palaka!" Namilog ang mga mata ko at seryoso ko siyang tinitigan sa mata. Galit ako, pero hindi n

