Rizalyn . "Mag-iingat ka palagi, anak Nestor. Salamat sa pagbisita mo rito." "Mag-iingat din po kayo, Nay. Babalik po kami ni Rizalyn dito ng madalas." "Siya na ba?" Ngumiti si Nestor at tahimik na tumango kay Nanay. Natahimik silang pareho at napangiti akong lalo. Tumikhim ako at saka napalingon sila sa banda ko. "Nay, salamat po sa pagkain. Ang sarap n'yo po magluto." "Masarap talaga magluto si Nanay kahit noon po," si Nestor sa kanya. "Naku, inday Riz, kung alam mo lang kung gaano kakulit si Nestor noon dito. Mabait na bata, kaya huwag mo ng pakakawalan ito. Nanghihinayang nga ako dahil magiging totoong anak ko na sana ang batang ito, pero sadyang hindi nila tadhana," si Nanay. Nakatitig siya kay Nestor ngayon at ibinalik lang din ang titig sa mga mata ko. "Iba ang nakatadhana

