Abala ako sa kinakain, hindi tumitingin sa paligid o sa kahit saan pa man. I am trying to chew fast para makaalis na sa kinauupoan ko. It feels awkward lalo na kung wala rito si Nanang Freda. Siya lamang itong nagsasalita at nagkukwento. Ang kaniyang apo ay naroon sa kaniyang tabi at tahimik lamang. Tapos ng kumain si Clark ngunit ayaw niya paring umalis sa kinauupuan at mukhang seryosong nakikinig sa matanda. "Talagang pangingisda lamang ang pangunahing hanap buhay dito. Nagkakaroon lamang ng magandang buhay ang iba kapag luluwas at makikipagsapalaran sa maynila. O 'di kaya'y mangakit ng kano sa kalapit na isla. May mga resort kasi roon." Nakaramdam ako ng panghihinayang. Ang akala ko'y napakaganda na ng buhay nila rito. Iyon pala'y hindi rin. I thought everybody here is contented with

