Habang naglalakad pauwi si zab dahil tapos na ang shift niya ay nagdaan muna siya sa mall para bumili ng suck para sa bahay nila. Dahil para pag uuwi o hindi umalis ang mama niya ay may mailuluto ito o may ma meryenda. Naging lasinggera man ang kanya ina ay mabait pa rin ito tulad ng dati. Masaya siya noon nung buo pa silang pamilya kahit hindi siya tunay na anak ng mga ito. Tinuring siya ng mga ito na tunay na anak. Dahil walang naging anak ang mga ito dahil may diperensya ang kanyang ama. Kaya naman kahit hindi siya tunay na anak ng mga ito ay tinuring siyang tunay na anak.
Habang namimili siya sa super market ay may naka bangga sa kanyang isang matikas na lalaki na may cup at mask sa mukha, maputi ito at matangkad din.
Napaisip naman si zab na baka ito yung naging customer niya sa restaurant na pinagtatrabahunan niya kaya tinitigan niya itong mabuti pero mas maputi ito kumpara sa lalaking mahangin na naging customer nila.
Napatulala naman si KIE JIE TAN ng makita niya ang mukha ng babaeng naka bangga niya. Para itong anghel dahil sa maamo nitong mukha. Ngayon lamang siya na attrack sa isang babae. Dahil sa playboy man sya pero libangan lang ang tingin niya sa mga babaeng nakakasama niya.
Nang makabawi sa pag iisip si KIE ay inilahad niya ang kanya kamay para tuluyang tumayo ang babaeng nakabanggan niya. " here" lahad niya sa isang kamay niya.
Iniisip naman ni zab kung tatanggapin ba niya ang kamay ng lalaking estranghero. Pero sa huli ay tinggap niya rin ito.
Pagkatayo ni zab ay nagpakilala sa kanya ang binata. " HI babe im KIE JIE TAN just call me KIE for short and you are?" sabay lahat nito ng kamay sa kanya.
Hindi naman na nagpakipot si zab dahil magpapakilala lang naman siya. Pero na asiwa siya sa tawag sa kanya ng lalaki na 'babe'.
"Im zabbrina alvarez just call me zab" aniya sabay tanggap ng kamay ng binata.
Malambot ang kamay ng binata na wala man lang kalyo. Sa isip ni zab ano kayang trabaho nito at ang lambot lambot ng kamay.
Kaagad naman niyang tinggal ang kamay niya. At nginitian niya ang binata bago siya tumalikod. Akmang lalakad na siya paalis ng hawakan nito ang pulsuhan niya.
Tiningnan niya ulit ang binata ng magsalita ito. "pwede ba tayong mag dinner? my treat" anito sa kanya.
Nag isip muna si zab bago sumagot. "naku pasensya kana nagmamadali kasi ako." sagot niya sa binata.
Ngunit hindi pa rin siya nito binitawan" please just a friendly dinner " saad ng binata na halata sa mga mata ang pagka sinserado nito.
Nag isip naman muli si zab. Wala naman masama kung friendly dinner lang naman pala. Saka makakalibre ako sa dinner at mukha namang mabair itong lalaki na to. Sa isip ni zab.
" ok sige." sagot ni zab sa binata. Nag ningning naman ang my pagka singkit na mata ng binata dahil sa narinig.
Pero bago sila mag dinner ay tinapos muna nila ang pamimili ng bibilhin nila sa grocery store. At pagkatapos nila ay dumertso na sila sa isang mamahaling restaurant.
Habang papunta sila sa table ay naiilang naman si zab dahil sa puro mayayaman ang nakikita niya sa loob ng restaurant dahil nga pang pamayaman ang pinasukan nilang kainan.
Napauko si zab ng makita niya na madami ang nakatingin si kanilang dalawa ng binata. "ahm." nahihiyang magsalita si zab pero napansin naman iyon ng binata.
"there is something wrong?" tanong ng binata dahil nakita niya na nakayuko at tahimik lamang ang dalaga na kasama niya.
Tingnan naman niya ang binata bago magsalita" ahm kasi pwede bang sa iba na lang tayo kumain nakakahiya kasi dito. Saka mamahalin dito nakakahiya naman sayo. "pag papatuloy na salita ni zab.
Tinitigan naman siya ng binata bago nito tinugan ang sinabi ni zab." don't worry is ok and don't mind them". Saad ng binata at hinawakan nito ang kamay ng dalaga para kumalya ito at hinila niya sa isang table.
Nang makarating sila ng table at pinaghila pa ng binata ng upuan si zab. At nagtingin na sila sa menu ng kanilang kakainin. Napansin ni zab ang mga prize ng mga pagkain sa isang putahe ay umaabot na ng libo. Kaya napalunok siya at di niya alam kung pipili pa ba siya dahil sa mahal ng pagkain doon.
Shit!! Pang dalawang araw ko ng pambili ng pagkain ang mga presyo ng isang putahe dito. Napalunok pa siya habang iniisip ang mga iyon.
Napansin naman siya ng binata na hindi inaalis ang tingin sa kanya. "do you want me to choice your order?" saad ng binata habang titig na titig parin sa dalaga.
Napatango na lamang si zab dahil ayaw naman niyang mag take advantage sa binata dahil hindi siya sanay ng ganun at nahihiya din siya.
Ang binata na ang nag order ng kakainin nila. Napaawang ang bibig ni zab ng mag order ang binata na halos lahat na ng nasa menu ay eh order nito eh dalawa lang naman silang kakain.
Napaisip si zab. Pano namen uubusin un eh dalawa lang kami? Parang pang isang buong pamilya na yung enorder niya eh dalawa lang kami. Pag iisip niya pero hindi niya na lang sinabi sa binata ang nasa isip niya.
Nang dumating ang pagkain ay inalis na ng binata ang cup at mask na nakatakim sa mukha nito. At nagulat si zab dahil sa sobrang gwapong nilalang na nasa harap niya ngayon. Para itong adonise sa gwapo at tikas ng binata. Naisip naman niya ang lalaki kanina sa pinagtatrabahunan niya magkasing gwapo ang dalawa pero para sa kanya ay mas gwapo pa rin yung mahanging lalaking naging customer nila. Mabilis siyang nag iwas ng tingin ng mapansin niyang nagtama ang tingin nilang dalawa.
Habang kumakain silang dalawa ay napapansin niya na nagang silip ang binata para pag masdan siya habang kumakain sila. Pero di na lang niya iyon pinapansin.. Tahimik lamang silang dalawang kumakain ng nasa kalagitnaan na sila ay biglang nagsalita ang binata para mabasag ang katahimikang namumutawi sa kanilang dalawa. "pwede ba kitang ihatid mamaya pagkatapos natin kumain?" saad nito sa kanya habang nakatitig ito sa kanya.
Akmang sasagot na si zab ng tumunog ang cellphone ng binata. Kaya hindi nag senyas na lamang siya na sagutin na ng binata ang cellphone nito at baka importante ang tumatawag dito. Tumayo pa ang binata at medyo lumayo pa sa table nila. Nag patuloy naman siya sa pagkain.
Bumalik na ang binata sa table nila. "zab im sorry but i have to go. I have emergency meeting with one of my client" pagpapaalam nito sa kanya.
Nginitian naman niya ito bago siya sumagot." sige ok lang ingat ka and thank you sa treat." aniya sa binata.
Ngumiti naman din ang binata sa kanya bago ito umalis ay nagbayad muna ng kinain nila.
Natapos siyang kumakain at nakita niya na madami pang natira na hindi nagalaw sa mga inorder ng binata na pagkain nila. Kaya naman ipina take out niya ito para hindi masayang at ibibigay niya yung iba sa mga batang lansangan na malapit sa kanila.