Habang nag lalakad siya papunta ng sakayan ay inihanda na niya ang pamasahe niya pauwi.
Pero ng nasa my kalsada na siya at patawid sa kabila para doon mag abang ng sasakyan niya pauwi ay nahulog ang barya na hawak hawak niyang pambayad sa jeep. Kaya agad niya iyon pinulot. Pero sa di inaasahan ay may paparating palang sasakyan at nakita na lang niya ito ng malapit na ito sa kanya. Napatulala na lamang siya at ng subrang lapit na nito at napapikit siya dahil sa sobrang kapa na nararamdaman niya..
Oh jusko! Dito na po ba ako mamamatay. Ang bata ko pa po para mamatay. Sa isip niya habang nakapikit. Pero makalipas ang ilang minuto ay hindi mab lang siya nakaramdam ng kahit na anong sakit. Napadilat na lamang siya ng bumusina ng malakas ang mamahaling kotse sa harapan niya nagulat siya at napapikit ulit dahil sa nerbyos. Maya maya pa ay lumabas ang nagmamaneho ng sasakyan.
Bigla itong ng salita kaya siya nagmulat muli ng mata. "hey you?! Do you want to die?!" saad ng lalaki na halata ang galit sa tono ng pananalita nito.
Nagtaas naman ng ulo si zab dahilan para mapatulala ang binata at mawala ang pagkunot ng noo dahil sa inis sa dalaga.
Naghingi naman ng paumanhin si zab sa binatang nasa harapan niya. "pasensya na po sir. Pinulot ko lang po yung nahulog kong pera" pag hingi niya ng paumanhin sa binata.
Doon lang bumalik sa ulirat ang binata at kung kanina ay galit ito ay bigla na lang nagbago ang pakikitungo nito kay zab. Biglang umamo ang mukha nitong gwapo at ngumiti sa kanya."ganun ba? But next time you should be careful, kung hindi ako alisto baka nasagasaan na kita." aniya ng may ngiti pa din sa mga labi ng binata.
Nagtaka naman si zab sa mood swing ng binata. Ang gwapo naman nito kaso parang may saltik at kanina galit na galit tapos ngayon bigla na lang naka ngiti. Wala naman nakakatawa. Pag iisip pa ni zab. Pero sinagot niya naman ang binata. "opo sir sa susunod po mag iingat na ako." saad niya rito.
Hindi inaasahan ni zab na maglalahad pa ito ng kamay sa kanya at biglang nag salita. " im TADASHI TOUDO and you can call me ASHI if you like. Sabi nito sa kanya" and you are? " pagpapatuloy pa ng binata.
Magsasalita na sana si zab ng biglang may malakas na naman siyang businang narinig sa likuran ng sasakyan ng binata. Agad silang panatingin sa gawing iyon. At may biglang nasalita." pwede ba kung magliligawan kayo ay sa ibang lugar na lang!! Nagmamadali ako! "sigaw ng isang matandang lalaking nasa loob ng sasakyan.
Di pa nakakabawi si zab sa mga nangyayari ng bigla na lang siya hilahin ng binata papunta sa sasakyan nito at mabilis binuksan ang passenger sit. Hindi na siya nakapag isip at sumakay na lang din siya sa sasakyan ng binata. Umikot naman ang pinata papunta sa drivers sit. Pagkapasok nito ay mabilis na rin nitong pinaharurot ang sasakyan para makaalis na sila doon sa lugar na iyon.
Habang nagmamaneho si ASHI ay sinusulyapan niya ang dalaga na katabi niyang nakatingin lang sa labas. Maya maya ay naisip niyang itanong dito kung saan ito uuwi para maihatid na lamang niya ang dalaga." baby what is your address? I drive you home." saad niya sa dalaga.
Napatingin naman si zab sa binata at nag isip muna kung sasabihin niya ba ang exact address ng tinutuluyan niya o hindi. Napag isip niya na magpahatid na lamang sa malapit sa tinitirahan nila.
Pagkasabi ni zab kung saan siya ihahatid ng binata ay nagpag isip niya ang tawag sa kanya ng binata na 'baby'. Ayos ah ngayon naman baby ang tawag sakin ng isang gwapong lalaki na to. Ganun ba pag mga gwapo kaylangan my endearment lagi pag nagsasalita sila? Pagtataka ni zab
Agad naman nag U TERN ang binata papunta kung saan ang sinabi ni zab na adress. Habang nag mamaneho ang binata hindi niya maiwasan mapatingin sa anghel na katabi niya. Ngayong na lang ulit siya na attack sa isang babae since high school. Dahil sa ang babaeng gusto niya ay ang gusto naman ay ang best friend niya.
Nangmakarating sila sa sinabing adress ng dalaga ay agad itong bumaba. Nagpaalam ito agad sa kanya at dali daling naglakad pa alis. Tatanung pa sana niya ulit ang pangalan nito pero mabilis itong nawala sa paningin niya. Napangiti na lamang siya habang pinaandar ang sasakyan at umalis na.
-----------------
NAKAHIGA si zab sa kanyang kama habang nag mumuni muni. Di mawala sa isang niya ang mga nangyari sa kanya ngayong araw. Ikaw ba naman ang makakita ng tatlong adonise sa loob ng isang araw ay siguradong hindi ka rin basta basta makakatulog.
Noong high school hanggang sa 2nd year college si zab ay madami ang nanliligaw sa kanya. Kahit ang mga heartrub sa kanilang campus ay nanligaw din sa kanya. Dahil sa ganung sistema ay madalas siyang binubully sa school nila dahil sa mga inggiterang palaka na mga baliw sa mga lalaking heartrub sa school nila. Isa na doon si sky sa mga heartrub sa school nila. May kaya kahit papano si sky. Ang pinapasukan niyang restaurant na hindi basta basta ay ang magulang ni sky ang may ari. Kaya madali siyang nakapasok doon ng hindi na niya pinagpatuloy ang kaniyang pag aaral sa college. Matalino si zab. Dahil nung high school ay kasama siya kahit papano sa mga honorable 1st siya. Hindi man siya ang pinaka magaling sa kadahilanang nagtitinda pa siya noon kaya hindi siya masyadong makapag focus sa pag aaral. Pero naging scholar pa rin siya sa hindi basta bastang college na paaralan. Doon niya nakilala si sky. Pero dahil nga wala siyang balak pa mag boyfriend ay naging matalik pa rin niyang kaibigan si sky kahit na binusted niya ito noon.
Kaya pinag iisipan din ni sky na magpatuloy ulit sa kanyang pag aaral. Isang taon lang naman siyang hindi nakapag enroll kaya makakahabol pa siya. Si sky ay 3yr na ngayong taon. Kaya pero dahil sembreak ay tumutulong ito sa restaurant na pag mamay ari nila. Napag isipan ng mabuti ni zab na ngayong taon ay mag eenroll sya ulit. Total ay pumayag ang magulang ni sky na mag part time parin siya sa restaurant na iyon.
Dahil sa pagod at maghapong kakaibang pangyayari sa kanya ngayong araw ay hindi namalayan ni sky na nakatulog na pala siya.