Ivelle Ruiz's Point Of View Matapang kong itinaas ang tingin sa kanya. "Subukan mo lang, Kevin, at sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ‘to!" Pero imbes na matakot, isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang lab gown, at sa bawat kilos niya, lalo akong napaatras. Sinubukan kong buksan ang pinto, pero hindi ito gumagalaw. Nakakandado ito mula sa labas. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko. Wala akong paraan para makatakas. "Hindi ka na makakatakas, Ivelle," aniya, may halong panunuya sa kanyang tinig. "Wala rin namang makakarinig sa’yo rito. Tayong dalawa lang, kaya huwag ka nang magpakipot pa." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa demonyong nakatayo sa harapan ko. "Hayop ka ta

