Hapon na at ang araw ay unti-unting lumulubog, ibinabalot ang langit sa gintong liwanag. Sa isang rustic garden venue na napapalibutan ng malalantik na puno at hanging lanterns, ang paligid ay tila sinadyang ipinta para sa isang eksenang punô ng pagmamahalan. Ang mga bulaklak—wine red na rosas, peonies, at dahon ng maple—ay nagsasayaw sa ihip ng hangin, habang ang buong lugar ay dinadala sa paraisong sadyang para lamang kina Azrael at Ivelle. Ang aisle ay natatakpan ng dark red velvet runner, may mga petals na inilatag ng flower girls. Sa dulo ng altar, naroon si Azrael, suot ang classic black tuxedo na may wine red vest at tie. Malalim ang kanyang paghinga, pilit pinapakalma ang kaba, ngunit hindi maitago ang ngiting puno ng pananabik sa kanyang mga mata. Pagkatapos ng ilang sandali, is

