Ivelle Ruiz's Pov Of View
"Doc— may nag hahanap po sa inyo." Napatingin ako sa nurse na pumasok sa opisina ko at sinabi na may nag hahanap saakin.bigla akong nakaramdam ng kaba ng maisip na baka nahanap ako ng lalaking yun Pero nawala ang kaba ko ng makita na si Letheia lang pala.
"Ikaw lang pala, bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. umupo naman ito sa upuan sa harap ng lamesa ko.bumuntong hininga muna ito bago nag salita kaya naman napakunot ang noo ko sa ginawa nya.
"Thank you so much Ive! dahil nag wagi tayo sa plano natin na maakit sya at wag ituloy ang kasal!" Humihiyaw nitong sabi saakin na ikanagulat ko naman. Ang bilis naman mag bago ng lalaking yun
"Good to know Letheia, syaka wag ka masyadong maingay baka Marinig ka ng mga ibang doctor na dumadaan." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya at nag pipigil ng tawa, Kaya napailing na lang ako sa kanya.
"Busy kaba today?, yayain sana kitang uminom sa bar para mag celebrate?" Tanong nito saakin. tumingin naman ako sa schedule ko at nakita ko na maraming patient akong Kailangan icheck ngayong araw.
"I'm sorry let maybe next time na lang marami kasi akong patient pa na ichecheck ngayon eh." Kagat labing sabi ko sa kanya nakita ko naman sya na tumango.
"Ok I understand naman, btw mag kwento ka naman ng nangyari sainyo kagabi bakit nag bago bigla ang isip ng lalaking iyon?" Curious na tanong nito saakin at may pangiti ngiti pa.
bumuntong hininga naman ako bago nag simulang mag kwento sa kanya. panay naman ang hampas nito saakin habang nakangiting nakikinig sa kwento ko.
"Omg I can't believe na pumayag ka na may mangyari sa inyo." Hindi makapaniwalang sabi nito saakin. Maski ako nag tataka kung bakit ako pumayag na may mangyari saamin ng lalaking yun.
"Hindi ko din alam let, para akong nakukuryente sa bawat hawak nya saakin, parang may magnet na kahit gusto kung kumawala eh kusa akong kumakapit sa kanya." Paliwanag ko sa Kaibigan ko.
"Baka naman na love at first sight kana sa lalaking dapat na pakakasalan ko?" Tanong nito saakin. Pero umiling naman ako sa sinabi nya.
"Malabong mangyari leyt, syaka yun na ang una't huli naming pag kikita at si-siguraduhin ko na hindi na mauulit yun." Seryosong sabi ko sa kaibigan ko. Napailing naman ito sa sinambit ko.
"Wag kang pakasisiguro sa sinasabi mo Ive, baka mamaya muling mag cross ang mga landas nyu." Seryosong sabi nito at tumayo na. Nag paalam na itong aalis na dahil tumatawag ang daddy nya. Tumango naman ako at tumayo na rin para mag simulang mag check ng mga patients ko.
Letheia Point Of View
Tumayo na ako at nag paalam na kay Ive dahil tumatawag na si daddy saakin, sigurado akong alam nya na ang tungkol sa pag kansela ni Azrael sa kasal namin na magaganap sana bukas. Sinagot ko ito at bumungad saakin ang galit na boses kay daddy as usual naman.
"Anong ginawa mo para i cancel ni Azrael ang kasal nyung dalawa Letheia!" Galit nitong tanong saakin. napabuntong hininga naman ako na sumagot.
"I don't know dad, basta tumawag na lang sya at sinabi na hindi na matutuloy ang kasal namin." Sagot ko sa tanong nya at nag panggap na walang alam kung bakit kinancel ni Azrael ang kasal namin.
"I don't believe in you Letheia alam kung may plinano ka para hindi natuloy ang kasal ninyong dalawa kakausapin ko ulit si Mr. Takeshi para konbinsihin ang anak nya na ituloy ang kasal ninyo!" Galit na sabi nito saakin kaya napabuga nanaman ako ng hangin habang nakasakay na sa kotse ko na nakaparada sa parking lot ng hospital.
"Dad can you please stop it, nag desisyon na si Azrael, syaka bakit nyu ba ako pinipilit na mag pakasal?" Inis na tanong ko kay dad.
"Wala ka talagang kwenta— pinutol ko na ang sasabihin ni dad dahil sumabat na ako sa kanya.
"Oo na wala na akong kwentang anak, you always say it kapag hindi ko nasusunod ang gusto nyu, lahat naman sinusunod ko diba? but this time hayaan nyu akong pumili ng taong pakakasalan ko! hindi kayo ang mag dedesisyon, syaka tigilan nyu na ang mga Takeshi nag desisyon na ang anak nila kaya hayaan nyu na." Inis na Sabi ko kay dad at pinatay ko ang cellphone ko.pinaandar ko na ang kotse ko patungo sa condo ko.
Nang makarating ako sa condo ko agad akong nag impake nang gamit. dahil aalis ako pupunta ako sa isang resort na binook ko kagabi. Buo na ang desisyon ko na mag pakalayo layo muna lalo na kay dad.
Ivelle Ruiz's Pov Of View
Habang pabalik ako sa office ko nakatanggap ako ng text mula Kay Letheia.
"Hi thank you again sa tulong mo, btw magiging busy ako this past few days may aayusin lang ako pero babalik din naman kapag naayos ko na, may utang kapa saaking celebration!" Text nito saakin kaya naman napailing na lang ako at nag patuloy sa pag lalakad habang nag rereply sa kanya.
"Hi doc Ive, pwede ba kitang yayain mag lunch?" Nag angat ako ng tingin sa taong nag salita sa harap ko at nakita ko si Doc Kevin isa ding Neurosurgeon. Ngumiti naman ako sa kanya at tinanggap ang alok nya.
"Sige puntahan mo ako mamaya sa Opisina ko para maalala ko." Nakangiting sagot ko sa kanya ngumiti sya nag paalam na din para mag check ng patient nya.
Nang makarating ako sa Opisina ko agad akong umupo sa swevil chair at binuksan ang aking laptop sinearch ko ang pangalan ng lalaking dapat mapapangasawa ni letheia at may lumabas na kunting detail dito.
Azrael Takeshi 28 year old the Famous Ruthless Ceo He Own Rael Company.
Basa ko sa maikling detalye na nandoon sa laptop ko. napaka ikli naman nito ganoon ba ka pribado ang buhay ng lalaking ito at hindi mahahanapan ng ibang impormasyon?
Sinara ko na lang ang laptop ko at yumuko sa table ko hindi na ako nakatulog ng makarating ako sa bahay na tinutuluyan ko pumasok ako ng maaga sa hospital para hindi ko maalala ang nangyaring pagkakamali saamin ng lalaking yun san nga lang hindi na muling mag cross ang aming landas.