Ivelle Ruiz's Point Of View Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko tumingin ako kung saan nanggagaling ang sikat ng araw at nakita ko ang nakahawi na kurtina don. Bumangon ako at lumapit sa don para isara pero napahinto ako ng mula sa salamin ay makikita mo ang napaka gandang tanawin ang dagat na kumikintab dahil sa sikat ng araw ang mga taong nag pipicture at nag sasaya napakasarap sa mga mata pagmasdan ang tanawin na yun halos hindi ko maalis ang tingin ko sa labas para itong sinadya talaga na ilagay dito upang malibang ang isip ng sino mang taong mag tatakang sisilip dito. Habang nakatitig ako sa tanawin, parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ang ingay ng alon na sumasabay sa hangin ay tila isang musika na pumapawi sa kung anumang bumabagabag sa isip ko. Napap

