Mikaella's P.O.V. Tuesday na ngayon at papasok na ako sa klase. Naglalakad lang ako dahil maagang umalis si kuya para sa trabaho n'ya. Habang naglalakad ay napatingin ako sa paligid ko. Dahil kalahating oras na lang din at magsisimula na ang klase ay may mga nakakasabay akong estudyanteng naglalakad ngayon. Malapit na rin kasi ako sa Willton's Academy. Ako nga lang ata ang walang kasama maglakad ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at binilisan ang paglalakad. Kinuha ko ang earphone ko at nakinig na lang muna ng kanta. Isang kanto na lang rin at malapit na ako sa Academy. "Ate Mika!!" Kahit naka-earphones ako ay rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Chaz. Naramdaman ko rin ang presensya nito sa tabi ko kaya naman napatingin ako rito. Nakita ko s'yang nakatingin sa akin hab

