CHAPTER FOUR

1240 Words
Agad akong napatayo at napaatras. "'Wag mo akong lalapitan!" Kinakabahan kong sabi sa kan'ya habang pinipigilan ang luha ko sa pagtulo gawa ng takot. "What are you talking about?" Tanong nito at nakita kong humakbang s'ya papalapit sa akin. "Sabing 'wag mo ako lalapitan!" Kinuha ko ang bato na naapakan ko at tinutok ito sa kan'ya. "What the f*ck are you doing?" Mahina n'yang tanong. Mabilis n'ya akong nahawakan sa wrist at sa sobrang higpit nito ay nabitawan ko ang batong hawak ko dahil sa sakit. Napangiwi ako dahil pakiramdam ko ay magkakapasa na ako dito. "Let me go!" malakas kong sigaw sa kan'ya habang pilit na binabawi ang kamay ko. "Shhh!" Agad nitong sabi at bigla akong tinulak sa puno sa likuran ko. Napapikit ako saglit nang maramdaman na tumama ang ulo at likod ko sa matigas na puno pero agad ko ring dinilat ang mga mata ko. Natahimik ako at napatingin sa mukha n'ya. Sobrang lapit ng mukha n'ya at nararamdaman ko ang mainit na hininga nito. Napatingin ako sa Itim n'yang mata at kulay pula na buhok. Teka.. "I'm asking you, lady. What are you doing here?" Mahina n'yang tanong habang titig na titig sa aking mga mata. Hindi ako agad nakasagot at nakatingin lang din ako sa kanya. Parang naubusan ako ng boses. "It's pretty dangerous here. Tell me.. ano nakita mo?" Tanong n'ya at mas sumeryoso ang mukha nito. Agad na akong nag-iwas ng tingin dahil sobrang lapit na ng mukha n'ya at naamoy ko ang sigarilyo sa kan'ya. "You're one of them, right?" Tanong ko at napayuko. Gabing gabi na at nasa forest din s'ya ngayon. Impossible namang nagpunta s'ya dito para lang mag-sigarilyo. Kung isa nga s'ya sa kanila, hanggang dito na lang ako. Wala na akong takas. "So.. you saw them." Humakbang s'ya paatras kaya naman napatingin ako sa kan'ya. "Answer me," mahina kong sabi at tinignan lang s'ya ng seryoso. I need to know. For Mom and Dad. Kailangan kong malaman kung sino ang pumatay sa kanila. "No, I'm looking for them dahil may atraso sila sa'kin," Sabi n'ya at naglabas ito ng sigarilyo at lighter sa bulsa ng itim n'yang pants. Sinindihan n'ya ito at napatingin ako sa puting usok nito. Napatingin ako sa mukha n'ya at nakitang nakatingin lang din ito sa usok ng sigarilyo n'ya habang seryoso ang mukha. "I saw them.. killed someone," mahina at nakatulala kong sabi. Biglang nag-flashback sa isip ko ang itsura nung babae. Naalala ko ang butas sa kan'yang noo dahil sa pagbaril sa kan'ya. Napapikit ako ng madiin. "Damn," mahina kong sabi at pilit na kinakalimutan ang itsura nito. Wala man lang akong nagawa para tulungan s'ya. "Let's go, it's late." Napadilat ako nang maramdaman kong hinawakan ako ulit sa wrist nitong lalaki at sinimulan na akong hilahin. "Saan tayo pupunta?" naguguluhan kong tanong. "Ilalabas na kita dito sa forest. Masyadong delikado dito. You shouldn't have come here," sagot nito habang nauunang maglakad. Napatingin ako sa likod n'ya. His shoulders are broad and he's tall. Hanggang balikat lang ako nito. Napunta ang tingin ko sa buhok n'ya at naalalang pula ang kulay nito. Agad kong naalala yung lalaking nagsisigarilyo sa back garden kanina sa Willton's Academy habang kumakain ako ng lunch. SIgurado akong s'ya 'yun. Parehas sila ng katawan at ng kulay ng buhok. Nagsisigarilyo din ang nakita ko kanina. "Why are you helping me?" mahina kong tanong sa kan'ya. Patuloy lang s'ya sa paghila sa akin at nakikita ko na na pakonti na nang pakonti ang mga punong nadadaanan namin. Mukhang malapit na kami makalabas dito sa forest. "Because I wanted to," maikli at agad n'yang sagot. Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang rin ako. Alam ko namang hindi s'ya interested na kausapin ako at iyon din ang nararamdaman ko. Hindi ako dapat nakikipag-usap sa kung sino-sino. Habang naglalakad ay sobrang tahimik ng paligid namin. Wala akong ibang marinig kung hindi ang paggalaw ng mga dahon ng puno at d**o dahil sa malakas na hangin. May mga huni din ng ibon at nakakatakot ito. Yumuko na lang ako at tinignan ang dinadaanan. "Nandito na tayo." Huminto ang lalaki kaya naman agad kong ginala ang paningin ko at nakitang nakalabas na nga kami sa forest. Napatingin ako sa kamay ko na hanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin binibitawan. "My hand," sabi ko sa kan'ya at tinignan s'ya ng masama. Agad naman s'yang natauhan at mabilis na binitawan ang kamay ko. "Go home immediately. Delikado at baka nasa paligid lang natin sila," seryoso nitong sabi habang nagmamasid sa paligid namin. Ginala ko rin ang tingin ko at nakitang kaming dalawa lang ang taong nandidito ngayon. Halos abandoned house na ang parte na ito. Sa dulo pa ng kanto mayroong bahay na matino at hindi nakakatakot. Agad naman akong napatingin sa lalaki nang tumalikod na s'ya at magsimulang maglakad papalayo. Napakunot ang noo ko dahil wala naman nang mga bahay doon at sobrang dilim. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula na ring maglakad. Sarili mo lang dapat ang iniisip mo ngayon, Mika. - - - "Mika? Are you listening to me?" Napatingin ako kay kuya na nilalagyan ng maple syrup ang pancake ko sa plate. "Yeah," mahina kong sagot at tumango. Should i tell him? Na may nakita akong kaparehas ng maskara na suot ng mga pumatay kina Mommy at Daddy? "What happened to your elbow? Bat may sugat?" Nakakunot noo nitong tanong sa akin. "Ah.." Napayuko ako at napakagat sa labi. "May pinatay sa forest na malapit sa kabilang street lang," Seryosong sabi ni kuya at uminom ng coffee n'ya. Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito. "Nasaan na yung babae?" Tanong ko. "She's also a student from Willton's Academy," Sabi pa ni kuya at napatingin s'ya sakin. "How did you know na babae yung victim?" Napalunok ako at agad na nag-isip ng idadahilan sa kan'ya. "Hula ko lang." Agad akong nag-iwas ng tingin. "Mika, stay away from trouble. If you want us to move and to transfer school again--" "No," agad kong sabi sa kan'ya. "I'm fine." Tumayo ako at sinuot ang bag, "I want to walk. " "Be careful, okay?" Paalala n'ya sa akin. "Will do," Sabi ko at lumabas na ng bahay. Hindi kami pwede lumipat ulit. Kailangan ko malaman kung sino ang mga lalaking 'yon. Willton's Academy is the only clue I have right now. Magkaparehas ang mask ng mga lalaki kagabi sa mga pumatay kina Mommy at Daddy. Kakaiba ang mask na iyon at alam kong hindi iyon nabibili lang sa kung saan. May nasabi rin si Shiela na kaibigan ni Kuya Mike na may namatay na daw na estudyante sa Willton's Academy at pinaghihinalaan nilang doon rin nag-aaral ang pumatay. Kagabi lang rin ay may nasaksihan akong krimen. Malakas ang kutob ko na iisa lang ang pumatay sa nakwento ni Shiela at sa babae kagabi. Napahinto ako nang makitang nasa tapat na ako ng Willton's Academy. Huminto ako saglit at pinagmasdan ang eskwelahan na ito. Marami nang estudyante ang nasa loob nito dahil malapit na magsimula ang klase. May mga iilang napapadaan sa akin at napapatingin pero hindi ko na lang ito pinansin. "I will find out the truth," mahina kong sabi at naglakad na papasok sa mataas nitong gate. Buo na ang desisyon ko na alamin kung sino ang mga lalaking iyon. Kung sila ang pumatay kina Mommy at Daddy, ay dapat nilang pagbayaran ang kasalanan nila sa'min ni Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD