Mikaella's P.O.V. Uwian na at kakalabas lang ni Professor Quan. Niligpit ko na ang mga gamit ko at sinuot ang bag. Maglalakad na sana ako nang humarang si Kael sa dadaanan ko. Napatingin ako sa kan'ya. "Are you going to Vivian's 18th birthday this coming Sunday?" Tanong nito sa akin. "Pinag-iisipan ko pa," sagot ko sa kan'ya. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito sa bulsa ng school blazer ko at nakitang may message si kuya Mike sa akin. I'll pick you up. Let's have dinner with my co-worker, Shiela. I'm here sa gate ng school mo, waiting for you. - Kuya Mike. "It will be fun, Mika. You should come," sabi pa ni Kael kay naman napabalik sa kan'ya ang atensyon ko. "I need to go. My brother's waiting for me outside," sabi ko sa kan'ya at binalik na ang

