Mikaella's P.O.V. "Mika." Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Kuya. "I want to sleep," sabi ko sa kan'ya at hinila ang kumot papunta sa aking mukha dahil nakakasilaw ang pagbukas n'ya ng ilaw dito sa loob ng kwarto. "Mika, wake up. May dalawang lalaking nag-aantay sa'yo sa labas." Agad akong napadilat at napaupo sa kama. "Anong sabi mo?" Tanong ko kay Kuya dahil baka mali ako ng narinig. "Nasa labas si Chase Javier at Earl Seven," sagot nito. Mabilis kong kinuha ang phone ko at binuksan ang social media account ko. Nakita ko ang napakaraming message sa akin ni Earl. Tumawag rin ito at napasapo na lang ako sa noo ko nang maalalang naka-mute nga pala ang phone ko. "Bakit pala sila nandito?" Tanong ni Kuya. "Nagpapatulong sila sa school project nila," sagot ko sa ka

