Mikaella's POV "Cara-" magsasalita sana ako para tawagin si Cara pero biglang tinakpan ng lalaking nakahawak sa braso ko ang bibig ko at hinila nila akong dalawa papalayo. May iilang nakapansin sa akin pero walang ni isa ang tumulong sa akin. Nakatingin ako kay Cara at umaasang makikita n'ya ako pero nakatingin ito sa kabilang direksyon at hinihintay si Kael. Pilit akong kumakawala sa kanila pero masyado silang malakas. Matatangkad ang mga ito at malalaki pa ang katawan. Wala akong laban sa mga ito. Huminto kami sa isang maliit na street at pinasok nila ako dito. Napadapa ako sa sahig nang malakas akong tinulak. Agad akong napangiwi nang makaramdam ng sakit sa magkabilang tuhod ko. Napatingin ako dito at nakitang may gasgas at dugo ito. Naramdaman kong naglakad ang isang lalaki papunt

