Chapter 2

1452 Words
Wesley’s Point of view “Where have you been last nigt at bakit ngayon ka lang umuwi?” Galit na tanong sa akin ni Papa pagpasok ko pa lang sa pintuan ng bahay. It’s already six thirty na ng umaga at ngayon palang ako nakauwi ng bahay. Instead na magalit ay ikinatuwa pa ng puso ko ang tanong ng aking ama. Finally, napansin din niya ako, at ito ang unang pagkakataon na nadatnan ko siya sa bahay. Namumula ang mukha niya sa galit, ngunit imbes na matakot ay ibayong tuwa ang nararamdaman ng puso ko. “Good morning, Papa.” Seryoso kong bati sa kanya bago akmang hahalik sana sa pisngi nito ngunit isang sampal ang natanggap ko mula dito. Nagimbal ako sa nangyari dahil ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan ako ng kamay nang aking ama. “D-Dad?” Naguguluhan kong tawag sa kanya habang hawak ang nasaktan kong pisngi. Gusto kong sabihin sa kanya na sa treehouse lang ako natulog kagabi ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik. “Akala mo ay hindi ko malalaman ang mga pinaggagawa mo habang wala ako? Hindi kita pinalaki, Wesley, para lang maging pariwara! Binigay ko ang lahat ng mga pangangailangan mo bilang isang ama! tapos lalaki ka lang na patapon ang buhay?” Nanggagalaiti niyang pahayag na halos mag-isang linya na ang mga mata nito. “What are you talking about, Papa, ano na naman ba ang isinumbong sayo ng magaling kong stepsister?” Galit kong tanong habang nagpupuyos ang aking kalooban. Batid ko na hindi magagalit ng ganito katindi ang aking ama kung hindi nilason ni Marice ang isipan nito. “Huwag mong idadamay si Marice sa usapan nating ito. Bakit hindi mo tularan ang ate Marice mo? Mataas lahat ang kanyang grades, at naka-focus lang siya sa mga plano niya sa buhay. Ikaw? ni minsan ay hindi kita naringgan sa kung ano ba talaga ang pangarap mo sa buhay. Wala ka ng ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo!” Parang piniga ang puso ko sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Dahil sa matinding sakit ay hindi ko na kinaya pa ang lahat at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Malungkot na tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Tanging hinanakit at sama ng loob ang makikita sa aking mukha. “Bakit, Papâ? Ni minsan ba ay tinanong mo ako kung okay lang ba ako? Ni minsan ba ay kinumusta mo man lang ba ang mga grades ko? Ni minsan ba ay ipinaranas mo man lang ba sa akin ang umakyat sa stage sa tuwing ta-tanggap ako ng mga medalya? P-Papâ, ako ang anak mo, pero bakit pakiramdam ko ako ang sampid sa bahay na ‘to? Bakit pa ako maghahangad ng mataas na grades kung wala naman akong pag-aalayan nito? Bakit pa kailangan ko pang magplano sa buhay kung mag-isa lang din pala a-ako?” Ani ko sa garalgal na tinig. Natahimik ang aking ama at kita ko ang pagdaan ng lungkot mula sa kanyang mga mata. Pagkatapos kong sabihin iyon ay nilampasan ko na siya ay nagmamadaling pumanhik ng hagdan at walang lingon-likod na pumasok sa ‘king silid.. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang inaasahan mong magbibigay sayo ng kalinga ng isang magulang ay siya pang nagiging dahilan ng tuluyang pagkasira ng buhay ko. Simula ng mag-asawa ng ibang babae si Papâ ay nagkaroon na ako ng kaagaw sa kanyang atensyon. Halos kay tita Sandra at sa anak nitong si Marice napupunta ang buong atensyon ng aking ama. Hindi ko kailangan ng anumang materyal na bagay, dahil ang higit na mahalaga sa akin ay muling manumbalik ang pagmamahal na natanggap ko nun mula sa aking ama. I am Wesley Tucker, the only child of Henry Tucker by his first wife. I was four years old when my mother passed away. Akala ko ay hindi na muling mag-asawa si Papâ hanggang sa dumating sa buhay namin si tita Sandra at ang anak nito sa unang asawa, si Marice. Mula noon ay nagbago na si Papâ, madalas na itong wala sa bahay dahil nakatuon lang ang kanyang atensyon sa mga negosyo nito at sa bago niyang pamilya. Noong una pinilit kong unawain ang aking ama hanggang sa dumating sa punto na napagod na lang ako. I’m nineteen years old now at kasalukuyang nag-aaral sa isang private university. Third year college na ako sa kursong Architecture. Business management dapat ang course na kukunin ko ngunit ito rin ang course na kinuha ng stepsister kong si Marice. Napilitan tuloy akong kunin ang architecture course dahil ayaw ko kasi ng kinukumpara kahit na kanino, lalo na kay Marice. Ramdam ko kasi ang pakikipag kompetensya nito sa akin dahil makailang beses na niya akong siniraan sa aking ama, tulad na lang ng nangyari ngayon. Bata pa lang kami ay madalas na niya itong gawin sa akin kaya pangit ang imahe ko sa paningin ng aking ama. Basta ko na lang hinagis ang aking bag sa isang upuan na malapit sa study table bago pumasok sa loob ng banyo. “Tsk, minsan na nga lang mapansin sampal pa ang inabot ko.” Natatawa kong sabi habang nasa ilalim ng dutsa at kasalukuyang sinasabon ang aking katawan. Pagkatapos maligo ay isinuot ko na ang isang black rags jeans at white long sleeve shirt. Pinasadahan ko ng tingin ang aking itsura mula sa malaking salamin. Marami ang nagsasabing kamukha ko si Mommy, at tanging ang matangos na ilong at ang cleft chin ni Papā ang namana ko mula sa kanya. Sinubukan kong ngumiti kaya lumabas ang dalawang malalim na beloy sa magkabilang pisngi ko. Ngunit ang mga ngiting ito ay walang buhay kaya para sa akin ay nag mukha lang akong creepy. Tinatamad na dinampot ko ang aking bag at lumabas ng silid. Tulad ng inaasahan ko pagdating sa dining room ay kumpleto silang lahat na kumakain sa hapag. Napaka-awkward ng sitwasyon, honestly, dapat ang mag-inang ito ang mahiya sa akin dahil pamamahay ito ng aking ina. Pero baligtad, dahil ako ang nahihiya para sa kanila. Simula ng dumating kasi ang madrasta ko sa bahay na ‘to ay inangkin na niyang lahat. Maging ang bawat kilos ko ay binabantayan din nito. Ang masaklap pa ay nasa side nila ang simpatya ni Papā. Kaya pakiramdam ko ay masikip na para sa amin ang bahay na ito. Masama ang loob na kinagat ko ang sandwich na nasa aking mga kamay habang walang pakialam sa ‘king paligid. Kahit ang atensyon ko ay nasa pagkain, ramdam ko pa rin ang pailalim na tingin sa akin ni Marice. Maging ang pag-ismid nito, pero sa tuwing magagawi sa kanya ang paningin ni Papa ay nakahanda na ang pinakamaganda nitong ngiti. Maging ang tila mala-anghel niyang awra. “Malaki ang problemang kinakaharap ng kumpanya. Sa ngayon, kailangan na nating maghigpit ng sinturon.” Narinig kong pahayag ni Papa, at mula sa gilid ng aking mata ay kita ko ang lungkot sa mukha nito. Nagpatay malisya ako ng maramdaman ko na nakatingin siya sa aking direksyon. “Did you hear that, Wesley? Bawas-bawasan mo ang mga walang ka-kwenta-kwentang bagay, magtino ka sa pag-aaral mo.” Seryosong pangaral sa akin ni tita Sandra kaya nahinto sa ere ang sandwich na hawak ko na sanay isusubo ko. “Sa pagkakatanda ko ay mataas naman ang mga grades ko, and besides anong kinalaman ng pag-aaral ko sa naluluging kumpanya ng pamilya ko. Hindi ba’t mas payuhan ninyo ang inyong mga sarili para mabawasan ang mga luho ninyo sa katawan?” Pambabara ko sa kanya na siyang kinadilim ng mukha nilang mag-ina. “Wesley!” Saway ng aking ama na halos mag-isang guhit na ang mga mata nito dahil sa galit. “Kita mo na ang masamang impluwensya sayo ng mga barkada mo? Lumalaki ka ng walang galang!” Matigas na wika ni Tita Sandra at nagkunwari pa itong naiiyak upang mas makuha ang simpatya ni Papā. “Hindi kita pinalaking bastos, Wesley. Ngayon din ay humingi ka ng tawad sa tita Sandra mo.” Galit na utos sa ‘kin ni Papa. Matamlay na tumayo ako at humarap sa kanya. “Huwag na tayong magkunwaring okay lang ang lahat papa, and please open your eyes, look at me, and look at them.” Makahulugan kong wika bago ko sila tuluyang iniwan. Totoo naman ang mga sinabi ko, simple lang akong babae at ni anumang kolorete sa katawan ay wala kang makikita sa akin unlike sa kanilang mag-ina na halos nababalot na nang ginto at mamahaling materyal na bagay ang kanilang mga katawan. “Wesley!” Narinig kong tawag sa ‘kin ni Papâ ngunit hindi ko na tinangka pang lumingon dito at tuluyan na akong lumabas ng bahay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD