Chapter 51

1142 Words

“Nananadya ka ba!?” Galit na tanong ni Marice sabay pabagsak na ibinaba nito ang isang folder sa aking harapan. Basta na lang itong pumasok sa loob ng aking opisina ng walang permiso. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumitig sa namumula nitong mukha. Halatang nagpupuyos siya sa matinding galit. Kalmado kong isinandal ang aking likod bago dinampot ang folder na nasa ibabaw ng aking lamesa. Saglit ko lang itong pinasadahan ng tingin kaya alam ko na kaagad kung ano ang ipinagpuputok ng butse nito. Ilang beses ko na kasing nireject ang mga strategy plan na ipinapasa nito ngunit sa tuwina ay lagi itong bagsak sa standard ko. Wala kasi ito sa kalingkingan sa strategy plan ng mga kasamahan ko sa Europe. Sa ilang taon na pagtatrabaho ko doon ay mas lalo pang tumaas a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD