"So, ano na?" "Kailangan nang umuwi ni Finley. Baka makahalata na si Tita Isabelle niya." Naroon sila sa labas, at nagliligpit. Saglit na huminto ang dalaga, at tiningnan si Haven. "Hindi ka pa rin sumama?" "Nag-aalala siya baka, kung ano'ng magawa ng Tita niya sa akin." "Okay, sounds that he really do care for you," Nakangiting aniya nito. Sabay silang naglakad patungo sa isa sa mga portable sink. "Parang." "Kaya nga, nahihiya ako sa kaniya nang sobra," malungkot na tugon ni Nihan. "Bakit naman?" "Kasi sa kabila ng mga nagawa ko. He still protects me." Binuksan ni Haven ang gripo, at itinapat ang kamay ng dalaga sa tubig na umaagos mula roon. "Dapat lang niya gawin 'yon, Nihan." Ipinaling niya ang mukha rito. "Kasi responsibilidad ka niya." "Nagkamali ako, at mayroon akong

