Kabanata 53

2069 Words

"Tita Isabelle." Itinaas ni Nihan ang mga kamay. Pilit siyang kumakapa ng kahit ano'ng puwedeng hawakan. Nanunuot kasi ang sakit sa anit niya dahil sa paghila ng ginang sa kaniyang manipis na buhok. "Impakta ka, ano'ng ginagawa mo rito?" Naglalakad ito pasulong habang siya ay paatras naman nang paatras. Ginawa niya ang lahat para mahawakan, at mapigilan ang kamay nito na matibay na nasa ulo niya. Nakayuko siya, at ang sahig lamang ang nakikita niya. "Ti-tita," daing ng dalaga habang nagkakaroon ng mga luha dahil sa sakit na nararamdaman. "Anong Tita? Wala akong pamangking demonyita!" singhal ni Isabelle. Nakagat ni Nihan ang ibabang bahagi ng labi. Tinitiis niya ang parang makinang kamay ng tiyahin ni Finn na humihigop ng kaniyang kawawang buhok. "Tita." Rinig niya ang boses ni C

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD