Umupo si Finley sa kama, sinulyapan niya ang nakatagilid at nakatalikod na si Nihan. May kabigatan ang ginawa niyang paghinga bago tuluyang inilapat ang katawan sa malambot niyang higaan. Pinili niya rin tumalikod, at itagilid ang katawan. May gulo pa rin sa kaniyang isipan matapos iwanan si Catherine sa labas. Binabagabag siya ng konsensiya dahil sa narinig sa kaibigan. Alam naman niyang noon pa man ay nagpapahiwatig na ito ng paghanga sa kaniya. At hindi ito sumuko, lalo na sa madidilim at mahirap niyang araw. Nakilala niya ito sa pamamagitan ng tatay mismo ni Nihan. Ni-recommend ito sa kaniya bilang isang Physical Therapist. Kahit ilang beses niya itong tinanggihan ay hindi ito nagsawang tulungan siya. Minsan niya na rin sinigawan, tinulak, at pinagsalitaan ng kung anu-ano. Pero

