Isang beses kinatok ni Finley ang pinto ng dalaga. Habang hinihintay 'yon magbukas ay sinilip niya ang suot na relo. Alas-sais ang intimate dinner na dadaluhan nila. May ilang minuto pa silang magbiyahe dahil hindi naman kalayaun ito. Naiiritang tumingala ang binata sa nakapinid pa rin pintuan. Hinawakan niya ang seradura bago nagsalita. "Papasok na ako!" pagbibigay alam niya sa dalagang nasa loob. "Ano'ng ginagawa mo?" takang tanong niya nang maabutan ang dalagang pababa ng kama. Sinipat ng tingin ni Finley ang kabuan ni Nihan. Suot nito ay long sleeve polo at maong na short. Nakarating ang mga mata ng binata sa mukha nito. "Bakit ganiyan ang suot mo?" "A," binasa niya ang ibabang bahagi ng labi, at ipinukol ang tingin sa kama. Paano ba niya sasabihin dito? Paano niya sasabihing h

