"I want to see him."
"No. This ain't the right time," tanggi ni Jigs, at tumayo.
Agad na tumindig si Nihan, at lumapit dito. Nilinga niya ang inang tahimik lang, at walang balak makisali sa kanilang usapan.
"Why?"
"I badly wanted to see Finn right now."
"Marami akong gustong sabihin sa kaniya," naguguluhan niyang katwiran.
"Think, will he face you?" naiinis na sagot nito.
Natameme naman ang dalaga, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Napakurap siya, at ipinako ang mga mata sa kawalan.
"Ang maganda mong gawin ay huwag mo muna siyang subukang harapin," malumanay na payo ni Janice.
"Ma, I have prepared myself so much for this day."
"Inihanda ko na ang sarili ko para sa lahat ng sakit, at galit na mayroon siya para sa akin," malungkot na litanya ni Nihan.
"You don't understand," pailing-iling na saad naman ni Jigs.
Nagtatagpo ang mga kilay ni Nihan habang pinagmamasdan ang kapatid, ganoon na rin ang ina. Tila mabigat ang loob ng mga ito, at nag-aalala sa puwedeng mangyari kung magkikita sila ng binata.
"Please, Jigs. Tell me where is he," seryoso niyang pakiusap habang malalim na nakatingin kay Jigs.
Walang hinto sa pagbuntong hininga si Nihan habang lulan ng sasakyan. Kasalukuyan nilang binabagtas ang kalsada patungo sa rest house na matatagpuan sa isang beach resort ng mga Saavedra.
"Bakit dito siya lumipat ng tirahan?" usisa niya nang bumaling sa kapatid.
Ang alam niya ay may bahay ang mga ito na iilang metro lamang ang layo sa kanila. Kaya noon ay madalas niyang makita ang kaibigan ng kapatid sa loob ng village nila.
"Hey, I'm talking to you," untag niya rito.
Saglit lang siya nilinga ni Jigs bago muling binigay ang buong atensyon sa pagmamaneho.
"Bakit lumipat siya sa Saavedra Beach Resort?"
"Kinuha na ng bangko ang bahay nila," mahinang anito ng kapatid.
Natigilan naman siya sa narinig, tensyonadong napalunok. Inaayos niya rin ang pagkakaupo, at katulad ng katabi ay itinuon niya ang mga mata sa kalsada.
"Same as their furniture shop."
"What?" gulantang na bulalas ni Nihan, at muling napaharap kay Jigs.
Tumango lang ito ng bahagya, at alanganin. Marahan niyang sinalat ang noo.
Ganoon ba ang epekto ng nagawa niya noong araw na iyon?
Nanikip na naman ang dibdib ni Nihan kasabay nang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata.
Tila kinurot ang puso niya sa mga nangyari sa binata.
Napaangat ang likod ni Nihan nang mabasa ang signage papasok ng resort. Napakunotnoo ang dalaga sa labis na pagkalito sa nabasa.
"Bakit Summer Ectasy na ang pangalan nito?"
"Did Finn changed it?" sunod-sunod niyang usisa habang inilabas pa ang ulo sa bintana, at hinabol ng tingin ang signage na dinaanan.
"Hindi na nila ito pagmamay-ari, bukod sa bahay at shop nila. Ibinenta na nila ang resort na ito, isang dating OFW ang nakabili."
"What?" mahinang usal niya, at marahang ibinabagsak ang likod sa sandalan ng upuan.
Buhat sa mga nalalaman kay Jigs, makakaya ba niyang harapin ang lalakeng nasaktan, at nawalan ng sobra dahil sa kaniya?
Ang lalakeng naging biktima ng kaniyang katangahan sa nakaraan na isang taon.
Paano niya matitigan ng diretso sa mga mata si Finn?
Sa lahat nang narinig na pagkawala ng mga bagay na importante rito?
Paano?
"Good thing, na naiwan pa ang isang villa para kahit papaano matirahan niya."
Kasalukuyan silang naglalakad sa buhanginan patungo sa pribadong villa. Malayo ito sa mga bisita ng resort, ang villa ang pinakahuli, at pinakatago sa buong Summer Ectasy.
"I hurt him completely," mapait na bigkas ni Nihan habang pinanonood ang mga paang lumulubog sa buhangin.
"Yeah, you did."
Malungkot siyang napangiti, at sinilip ang kapatid. Naaninag niya ang lungkot, at pagkaawa sa anyo nito. Napakurap siya, at namasa ang mga mata.
Bakit ba niya nagawang saktan ng lubos ang mga ito?
Ang mga mahal niya sa buhay, paanong sa kabila ng magagandang ipinakita nito sa kaniya ay sakit lamang ang iginanti niya?
"Kuya, I'm sorry."
"Sana, sana hindi ko nasira ang friendship ninyo," pormal niyang wika, at huminto sa paglalakad.
"Sa tuwing kaharap ko siya, para bang kinakain ako ng sarili ko. I partly blame myself sa lahat ng masamang nangyari sa kaniya," Nakangiti ito ngunit ang mga mata nito ay hindi naitatago ang totoong nararamdaman.
Inabot ni Nihan ang dalawang kamay ng kapatid at ngumiti rito, kahit may iilan ng luha ang pumatak. Bukod sa ina at ama ay labis na apektado, at naipit ang kapatid sa mga nangyari.
Sana hindi siya katulad nitong mahina para iwan ang kaibigan. Kaibigan, na humarap sa madilim na karanasan.
"Tell me, you didn't leave him when he faced these chaos, right?"
"No matter how much I want and insist, he wanted to be alone," sagot nito.
Matulin niyang ibinaling ang mga matang agad na nagpakawala ng luha. Naramdaman niya ang pagpitik ng puso, ang ibig-sabihin lang no'n ay mag-isang hinarap ni Finn ang lahat ng problema na siya ang dahilan.
"He's so down."
"Even I doubt that I can help him overcome this," dugtong ni Jigs.
"Sobrang bagsak si Finn, no one seems to know how to help him."
"Ang sama ko," pinipigilan ni Nihan ang pagbunghalit ng iyak habang dismayang-dismaya sa sarili.
"But here you are, you are brave enough to fix everything. Will you back down?"
Lumingon siya kay Jigs, at isang beses na umiling. Sandali niyang tinanaw ang villa kung nasaan ang binata. Binalikan niya ng tingin ang kapatid.
"Walang dahilan para umatras, at sumuko ako."
"I have many reasons for doing so."
"I want to see him. I want to be with him this time."
"But what if, that's not what he feels anymore?" saad naman ni Jiggs.
Isang buntong-hininga ang ginawa ni Nihan bago napalabi. Ilang segundo ang nakiraan bago niya nakuhang tumugon.
"I'll still stay."
"I'll still stay 'til he wants to be with me again."
"Well, then goodluck, Nihan."
Natural nang sumilay ang matamis na ngiti ng kapatid, bahagya naman itong nakapagpagaan ng kaniyang kalooban.