Kabanata 42

1151 Words

"Mukhang may hugot ka rin sa buhay, ha?" Nais pa rin pagaanin ni Nihan ang usapan nila ng binata. Dahil naaninag niya sa mukha nito ang kamukha ng pakiramdam niya. "Malalim," Ngumiti ito, at hinilig pa ang ulo. "Kaya ba, naiisip mo 'tong Camp Kanlungan?" usisa niya habang nakatitig sa binata. "Oo. Minsan kasi, hindi natin kailangan ng tao na makikinig sa atin. Kasi, may iba na huhusgahan ka. Hindi katulad ng lugar na ito, kahit ano'ng sabihin mo sa kaniyang pagkakamali mo." "Wala kang maririnig pabalik. Literal ka lang niya pakikinggan. Kasi iyon naman ang talagang kailangan, ang may sabihan ka ng gusto mong sabihin," mahaba, at naging mas madamdamin ang himig ni Haven. Muling tumanaw si Nihan sa ibabang bahagi ng Camp Kanlungan. May punto ang binata, ilang tao na ba ang nakausap ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD