Napakunotnoo si Nihan nang dumaan si Catherine sa tabi niya, at halos banggain siya nito sa balikat. "Excuse me," aniya nito. Hinayaan niya lang ang Physical Therapist ng binata. At ipinagpatuloy ang ginagawang pagsasalin ng gatas. "Good morning!" "Jigs!" bati niya. Nakangiting naglakad ito papasok sa loob. Nagtatakang lumapit siya sa kapatid. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "May lakad kami ni Finn." Saktong lumabas si Finley ng kwarto. Nagtungo ito sa kanila, siya naman ay tinitigan lamang ang binata. "May pupuntahan lang kami," anang nito. "Boys hang out?" singit ni Catherine na sinakop ang puwesto ni Nihan. "Kinda," sagot naman ni Jigs. Sandali siyang napakunotnoo. "Mauna na kami," wika ni Finn. "Sige, ingat kayo," tanging sambit niya. Pareho nilang na sundan nang tingin ang d

