Madali namang nakumbinsi ang ina ni Juancho sa mga paliwanag ni Mariella. Kaya tumulong na rin ito sa pagpapaliwanag sa anak tungkol sa side ni Mariella. Kinahapunan ay hinintay nila ang pag-uwi nito ngunit sumapit nalang ng alas diyes ng gabi ay di pa umuwi si Juancho. Nauna nalang umakyat si Madam Walsonia upang magpahinga na ito dahil hindi pa dumating ang anak nito at ito'y napuyat na sa paghihintay kasama si Mariella. Masikip ang dibdib ni Mariella habang umiyak na pumanhik nalang sa kuwarto nila ni Juancho. Sabi pa naman nito kanina na makipaghiwalay ito sa kanya. Ngunit di niya hahayaang mangyari agad ang ganoong desisyon nito. Sinubukan niyang tawagan ito sa kanyang cellphone ngunit ring ng ring lamang iyon at hindi nito sinagot ang kanyang tawag. Muling binaba nalang niya ang

