Hinabol talaga sina Danica at ang tatlo niyang kaibigang lalaki. " Dan! bakit kaba tumatakbo!?" Humihingal na tawag sa kanya ni Prince. At pati na sina Jeff at Kyle ay humihingal na rin na nakasunod kay Danica. Ngunit sa bilis Ng mga kalaban sa paghahabol sa kanila ay naabutan ng mga ito sina Jeff, Kyle at Prince. Kaya napasubo sa pagsusuntukan ang mga ito sa mga humahabol sa kanila! Napatigil si Danica nang makitang nakipagsuntukan na ang kanyang tatlong kaibigan. At nakita niyang parang matalo ang mga ito! Hindi nakapagpigil si Danica sa kanyang sarili, hindi pweding hayaan nalang niyang mabugbog ang tatlo niyang kaibigan. Nagmamadali siyang tumakbo sa mga ito at sumugod sa apat na kalaban. Isang malakas na sipa ang ibinigay ni Danica sa Isang bumugbog kay Prince. Napasuray ang kal

