Napasuntok siya ng malakas sa kanyang desk dahil sa nalamang katotohanan. Pinaalis na agad niya ang Head of security ng kompanya at pinalabas ang Secretary. Gusto ni Juancho na mapag-isa. Para siyang mababaliw sa pag-iisip ngayon kay Mariella. Hindi niya alam kung anong gagawin kung paano magbalik sa kanya si Mariella. Mga masasakit na salita na ang binitawan niya rito. Sinabi pa niya rito na, maghanap siya ng matinong babae na ipapalit rito. At sinabihan pa niya itong huwag nang muling tatapak sa Mansion kung ito'y aalis. Paano niya ito mapabalik sa kanya? Gigil na gigil siya nang maisip si Miss Arah Jean Miller at Mr. Alex Santiago. Gumawa talaga ang mga ito ng paraan upang magkahiwalay sila ni Mariella. Kinahapunan ay nanghihinang nauwi si Juancho. At sinabi agad niya sa mga magulan

