Patuloy lang na makikipag- usap si Mariella sa kanyang mga kasama sa table. At hindi na niya tinapunan ng tingin kung saan naroon sina Juancho at si Miss Julia Villarica. Minabuti niyang ifocus ang pakikipag-usap sa mga kasamang alalay at mga designer. May mga iba't ibang klaseng masasarap na pagkaing nakahain sa bawat table at hindi rin mawawala ang mga imported wine na nakahanda roon. Sa harap naman ng kanilang mga inookopa at naka arrange na mga table ay may malawak na Dance floor din roon na sadyang ipinagawa talaga sa nagmamay-ari ng kompanya para sa mga partyng magaganap sa kompanya. Nagsimula na ang party. Nakikinig lang sila kung anong mga Message ng nagmamay-ari ng kompanya. Mga dalawang oras din bago natapos ang program sa nasambit na party. Hangga't isang live band ang nagpap

