Habang nakapikit si Danica ay naramdaman niyang parang may humalik sa kanyang mga labi! Wala naman siyang ibang kasama ngayon at tumulong sa kanya kundi ang kanyang kuya Choi lang! Nagmulat siya ng mga mata at si Kuya Choi nga ang humalik sa kanya. "Kuya Choi! bakit mo ako hinalikan!?" Aniyang napakalas ng yakap rito. Maging ito ay mabilis ding humiwalay ng yakap sa kanya at itinigil ang paghalik sa kanyang mga labi. " S- sorry, Danica! hindi ko sinasadya.." Hinging paumanhin ni Choi. Ngunit dahil sa taas ng lagnat ni Danica ay di na niya natugon pa ang paghingi ng paumanhin sa kanya ng kanyang kuya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Natampal ni Choi ang kanyang noo dahil sa kanyang nagawang paghalik sa kanyang adopted Sister! Sobrang mali ang kanyang ginawa. Magiging m

