Kahit pa sabihing hindi alam nina Yaya Fatima ang tinirhan niya ay walang imposible kay Juancho ang lahat na madali lang siya nitong matunton dahil isa itong powerful na tao at maraming mga galamay na pweding utusan lang nito. Tulad noong una, natunton nito yung unang Condo niya at kung saang kompanya siya nagtatrabaho. Lagi tuloy niyang naisipan ang mga halik nito kahapon sa kanya. Ang lakas ng epekto iyon sa kanya. Grabe talaga kung magpapaibig at mang- akit si Juancho. Kung sobrang rupok lang niya ay tiyak na nadadala na siya nito. Kahit sa isang tulad niyang napuno na ng pagkainis rito ay ganoon parin kalakas ang t***k ng puso niya kung sa oras na halikan siya nito. Biglang winaglit niya ang mga naramdamang iyon pero di parin maiwasang pilit na sumiksik iyon sa kanyang isipan. Nainis

